CHAPTER 7

8 2 0
                                    


Ang bilis ng araw. We're in our tenth grade already and it was my birthday today. My 15th birthday.

"Hindi po ba dadating sina papa?" tanong ko kay lola.

"Apo baka naman padating na sila. Kumalma ka." she said while cooking the spagettie sauce. Okay lang naman na hindi sila dumating kase sanay naman ako at nandyan naman si Aki to complete my day.

"Okay lang naman po. Nandyan naman kayo eh."

"Dadating sila."

"I'm used to it naman na. Dadating naman mga kaibigan ko so it's okay."

"Nandyan naman si Akira." tukso sa'kin ni lola kaya namula ako. And yes of course, Aki was there so my day will always be complete.

"Lola naman eh." natawa naman ito kaya nagmukmuk ako sa mesa.

"Tama na yan apo. Tulungan mo na lang ako." tumayo naman ako para tulungan si lola. Inayos ko ang mesa na paglalagyan niya ng niluto niya.

"Hello tita tutulungan ko na po kayong magluto." auntie Arriane said at pumasok siya.

"Salamat anak." sabi ni lola.

"Thank you auntie."

"Syempre naman, malakas ka sa'kin eh." nginitian ko naman si auntie ng biglang pumasok si Aki.

"Happy birthday loves." bati nito kaya naman natawa ako at the same time ay kinilig ako."Thank you loves." ganti ko.

"May pagnanasa ka talaga sa'kin no?" I raise my middle finger with what he said kaya naman natawa siya.

"Anong gusto mong gawin ngayong birthday mo?"

"Wala akong maiisip eh."

"Bili tayo sa tindahan."

"Ng ano na naman. Masyado kang magastos."

"Hindi ah, pinag-iipunan ko kaya future natin."

"Huh? I beg your pardon." sabi ko kasi hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Tinalikuran naman niya ako pero hinabol ko siya at inakbayan. Tumingkayad pa ako para lang maabot ko siya. Masyado kasi siyang matangkad.

"Ano kasi yun?"

"Wala. Tara na nga ililibre pa kita eh."

"Ang damot." I said and jump at his back para buhatin niya ako. Muntik pa kaming matumba sa ginawa ko. Pinalo naman niya ang pwet ko.

"Huy bastos."

"Hindi kita binabastos, pinapalo ko lang yang pwet mo." inirapan ko lang siya dahil sa ginawa niya.

"Aki."

"Hmm?"

"Gusto kong mapanood ang sunset kasama ka."

"Mamayang hapon pa naman yun eh."

"Sana hindi umulan."

"Hindi naman talaga."

"Happy birthday couz. Here a simple gift." she greeted as she give me a small paper bag.

"Thanks."

"Ito din sa'kin beshy." sabi naman ni Yvy at may inabot din na regalo. I mouthed 'thank you.' Sumunod na bumati sina Reyvan at Jeide na may dala din na regalo.

"Hindi na sana kayo nag-abala."

"Nakakahiya naman kasi senorita." sabi ni Jedie kaya natawa ako. Hinampas ko din siya.

Way back homeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ