CHAPTER 18

4 2 0
                                    

Nandito na ako sa room and all eyes on me. Nandun sila sa buletin board, I guess I know why they are looking at me siguro wala ako sa top 10 or kahit sa top 100 man lang. Maybe nasa top 300 ako but who cares. Tumabi naman sila para makita ko and yeah, I'm right wala ako sa listahan. Tsk! Expected ko na yan no.

Pumasok na lang ako sa klase ko and I saw EJ standing in my classroom's door. Nakapoker face lang ako habang papalapit sa kanya.

"May problema ba?" tanong niya.

"Okay lang ako." Napabuntong hininga na lang ako at tumago. Parang labas pa sa ilong yung sagot ko.

"Sorry Nathalia, I wasn't at your side."

"Okay lang congrats ha, nasa top 100 ka, top 99."

"Nathalia,..."

"We have our own battles to fight for. Okey lang mapunta sa top 287." I said at nilampasan ko na ito. My classmates are also looking at me. Sanay naman na ako. Tumunog ang messenger ko kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Akibaby: I'll meet you later for lunch, Ulan ko.

Napangiti naman ako sa nabasa ko at umupo ako sa pinakamalapit na arm chair para sagutin ang chat niya habang nakangiti pa rin.

to Akibaby: Mahaba-haba ang break ko. 3 hours, san tayo kakain?

Akibaby: I'll come see you.

to Akibaby: Sure, see you. Chat me when you're outside the campus.

Hineart lang niya ang message ko but I'm still looking at the screen.

"Mukhang masaya ang gising natin Ms. Ferrer ah." nakangiting sabi ni sir Castro kaya naman nginitian ko siya.

"Sobrang saya ko po sir. Pwede nga pong magpaquiz kayo ngayon eh." umangal naman ang mga kaklase ko kaya natawa kami ni sir.

"I'm glad that you're happy. How was your father?" nginitian ko naman siya.

"Wala po akong balita sir but I know he's fine. Even though I don't know what's happening to them, I shouldn't let my happiness depend on that matter." sabi ko naman. He genuinely smile at me so I did the same.

"Alam kong halos nahirapan ka sa kakatapos na midterms but I'm happy that you're striving hard anak. Being the top 287 is still an achievement." he said kaya naman ngumiti lang ako. He also congratulate everyone of us for surviving and continue with his lesson. Tahimik akong nakinig at pinag-aralan ang mga tinuturo niya.

"That's all for today."

Tumayo naman na ako at lumabas. May next class pa ako. Kasama ko na naman sina Yvy. Nakakainis ang pagmumukha nila. Hindi ko man minahal si Ian, they still cheated on me.

"Nathalia." tawag ni Tyron kaya naman tinignan ko lang siya. I arc my brow asking what's the matter. "May problema ba?" dagdag niya kaya naman napataas ulit ang kilay ko.

"Mukha ba akong may problema?" tanong ko. "So far, masaya naman ako. Nakakakain ako sa tamang oras. Nakakapagreview ako para sa mga quizes at nakaka-attend ako sa meeting ng boards. May time din ako para gumala minsan." dagdag ko pa. Natahimik naman siya. "Kung tungkol sa'min ni Ian, tanungin niyo na lang siya or either si Yvy ang tanungin niyo. Sorry kung nadadamay kayo pero ano namang magagawa ko? It's all said and done. I will be neutral but being the same is hard for me." sabi ko naman at iniwan ko na sila.

Sanay na akong mag-isa sa dalawang buwan na wala akong kasama. Si Aki na lang ang palagi kong kasama. Pinaayos ko na din ang bahay and I still ask our maids to clean it every once a week at bayad ko pa rin ang one month nila na salary.

Way back homeWhere stories live. Discover now