CHAPTER 6

8 2 0
                                    


Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Aki habang mahimbing siyang natutulog. Ang amo niyang matulog pero bakulaw naman siya kapag gising. Kahit na inis na inis na ako hindi ko pa rin siya matiis. Tumayo naman na ako para sana aalis pero...

"Ulan?"

"Oh?" mataray kong tanong kasi nakapikit siya.

"Salamat."

"No need to mention."

"Babawi ako."

"Huwag na, ayusin mo lang buhay mo. Okay na ako." Nakita ko naman siyang umupo kaya inalalayan ko siya pero ang sama pa rin ng tingin ko sa kanya.

"Sorry na." he said and tap the space beside him. Inirapan ko naman siya. Ang kapal talaga ng mukha niya. Nakakainis.

Hindi mo naman matiis. Remember, mahal mo siya. Napapikit naman ako dahil sa naiisip ko.

"Anong magagawa ng sorry mo. Ang dami mo ng absent. May absent na tuloy ako dahil sa'yo. Bwesit ka." I hissed and glares at him. Tumawa lang siya na parang wala siyang ginawang masama. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin at yakapin.

Sobrang kinikilig ako kaya pinakiramdaman ko na lang ang yakap niya. Minsan niya lang ako yakapin kaya sulitin ko na. Bakit kasi hindi niya ako magustuhan? Maganda naman ako, yun nga lang chubby.

"Sorry na ulan, nadala ka pa sa police station."

"Exactly, kasalanan mo yun. You really need to be guilty for the trouble you caused me. " napayuko naman siya sa sinabi ko. He's feeling guilty about what happened. "Charrrr! Wala namang kaso sa'kin yun. Ang mahalaga okay ka na. Naging girlfriend mo lang si Ashley naging ganun ka na."

"Hindi ko naman sinasadya."

"It's your fucking choice."

Kung ako lang kasi ang minahal mo edi hindi kita sasaktan. Bubusugin pa kita ng pagmamahal ko. Napakabulag mo kasing, tangina. 

"Okay, I lost it."

"Sige na, hindi naman kita matitiis eh." nilayo niya ako sa kanya at nanlaki ang mata ko ng halikan niya ako sa pisngi.

"Hoy tsumatsansing ka na ah." sabi ko kahit kilig na kilig ako. Tumayo naman agad ako. "Dyan ka na nga." I said and move out of his room. Tumakbo ako pabalik sa bahay at tinakpan ko ang bibig ko ng unan tsaka ako tumili ng tumili.\


Halos wala akong tulog na pumasok sa school kaya naman sa ibang subject ay nakakatulog ako lalo na sa unang subject buti na lang at nasa may pinakalikod ako kaya hindi halata ng teacher. I feel someone tap my shoulder slowly.

"Ulan, recess na." ginalaw ko naman ang ulo ko. Inangat ko naman ang ulo ko at alam kong namula ako dahil nakita ko na ilang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin. Napalunok din ako dahil kita ko ang kissable lips niya. Natetempt ako pero agad din akong nag-iwas.

"Bakit ka tulog?"

"Hindi kasi ako makatulog kagabi eh." I said and stand up. Nilabas ko naman yung wallet ko.

"Huwag na. Libre na kita."

"Kuripot ka diba?"

"Huy hindi naman ako kuripot pagdating sa'yo. Minsan buraot ka kasi." hinampas ko naman siya ng malakas pero tumakbo lang siya palayo sa'kin.

"Hayop ka talaga." sigaw ko at hinabol ko siya hanggang sa canteen. Agad ko naman siyang hinampas ng maabutan ko siya. Nagbalik na kami sa dati and i'm more than happy kesa naman sinasayang niya ang buhay niya dahil lang sa ibang babae.

Way back homeWhere stories live. Discover now