CHAPTER 9

10 1 0
                                    

"Ma anong gagamitin ko?" kabadong tanong ko kasi umuwi muna ako dito sa Baguio para magpatulong kay mama ng susuotin ko sa prom night. It was my first time to attend such parties and I really don't know what to wear. Nandito din kami sa boutique ni tita Yannie.

"Pupunta tayo mamaya sa kaibigan ko na nagtatahi ng gown. Kaya Nathalia Rhaine Ferrer kumalma ka muna. Halatang-halata na excited ka." Mukha ba akong excited. Parang mas kabado pa ata ako.

"Ma, minsan lang mangyari ito sa buhay."

"Dalaga ka na talaga."

"You can choose with this design." tita Yannie said. Nakahelera na ngayon ang naggagandahang gown. There is ball gown, slit dress, mermaid gown, etc. But my eyes was caught by a simple but elegant gown na suot ng isang manequen. It was a black dress na backless and above the knee sa harap pero kapag sa likod ay halos halikan na niya ang sahig.

"Ma, gusto ko yun." sabay turo ko sa gown na gusto ko. Natawa naman si tita Yannie.

"You really chooses the best. Mare ito daw gusto ng anak mo."

"Go na." sabi naman ni mama kaya naman napangiti ako. Shezz it was so beautiful. Akitin ko kaya si Aki? Natawa naman ako sa sarili kong naisiip. Patapos na ang school year. Magmomoving-up na kami sa susunod na buwan.

"Ma, gusto ko din sana na sa province ituloy ang senior high."

"Dati ayaw na ayaw mo doon. Ngayon naman halos ayaw mo ng umalis." natatawang sabi ni mama.

"Eh kasi mas masaya pala doon kesa online games."

"I'll talk to your dad about that but I'm sure papayag naman yun eh."

"Thank you ma."

"Pupuntahan ka din namin doon para kami na mag-ayos sa'yo." tita Yannie said. Napangiti naman ako at nagpasalamat.



"May gagamitin ka na sa prom?" tanong ni Aki.

"Yeah."

"Anong kulay?"

"Itim. Maganda kasi yun."

"Ah ganun ba."

"Oo, eh ikaw may isusuot ka na? Sino pala date mo? Si kate?"

"Yeah, naka-usap ko na siya eh. Ikaw ba?"

"Ah, inaya ako ni Alex kaya pumayag na ako. Ikaw sana kaso may date ka naman alangan namang unahin mo ako kesa ang girlfriend mo no."

"Kung pwede lang na ikaw." he mumbled but I didn't hear it.

"Huh?"

"Wala. Iwan na kita para makapag-ayos ka na."

"Hindi pa naman dumating si mama at tita Yannie na mag-aayos sa'kin eh. Mamitas na lang muna tayo ng strawberries."

"Alam mo naghahanda na ang lahat ikaw lang ang hindi."

"Mabilis lang naman ako aayusan ni tita Yannie kasi masyado na akong maganda.""Ang kapal ah." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ah alam ko na."

"Ano?"

"Tambay na muna tayo sa waterfalls."

"Oo nga no." I agreed kaya naman doon kami pumunta.



Halos alastres na kami umuwi at kanina pa pala ako hinahanap nina mama. Alas sais kasi magsisimula ang party.

Pinapagalitan pa ako ni mama kasi kung saan-saan daw ako nagpupunta eh alam ko naman na may event ako. Napatingin din ako sa orasan kasi 5:30 na eh hindi pa tapos si tita Yannie na ayusin ang buhok at mukha ko sa dami ng nilalagay niya.

Way back homeWhere stories live. Discover now