Chapter 60: A Day with Dustin

82.6K 1.9K 734
                                    

Okay.

Alam ko naman na miss na miss niyo na ang pambansang budoy ng wattpad,kaya eto na mga kalokohan niya. Ewan ko na lang kung havey pa rin ba siya sainyo o waley na.

Parang bonus chapter lang to. Pampagood vibes ba. Kaninang umaga ko lang to natype kasi hindi ako makatulog.

Enjoy reading~

**

Chapter 60: A day with Dustin

Yuki's POV

Kakaalis lang nila Tyler kahapon. Hindi na ako sumama ihatid sila sa airport kasi ang aga. Tsaka hindi naman niya sinabi na sumama ako sa paghatid sa kanila sa airport. Baka ano na lang isipin kung pumunta ako dun. Tsk.

Kasama ko ngayon si Dustin. Wala akong choice dahil classmate ko sila Dustin at Tyler. Ngayon umalis na si Tyler,siya na lang ang natira. Hindi ko alam kung good thing or bad thing ba ito! Tingin niyo?

*poke*

*poke*

*poke*

"Pakopya!" Bulong ni Dustin. -____-

"Ayaw." Tinakpan ko yung test paper ko. Nagtetest kasi kami ngayon. At as usual,nangongopya na naman tong si Dustin.

"Dali na Yuki. Number 1 lang!" Bulong niya.

"Ayaw!"

"Isusumbong kita!"

"Ano naman isusumbong mo,aber?"

"Nangongopya ka."

"Kapal! Wala ka pa ngang sagot oh! Ninguso ko testpaper niya.

"Meron na kaya."

"Saan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Buti na lang may kinakausap yung teacher namin sa labas ng classroom kaya hindi kami napapagalitan dahil naguusap kami.

"Ano tawag mo diyan sa Name?" Turo niya sa taas ng testpaper. "Dus-tin Gon-za-les!" Binasa niya yung name niya na nakasulat sa tapat ng Name sa test paper.

" See! May sagot yung Name! Pati yung Date! May sagot din. Yung section din. Panes!" Pagmamayabang niya.

Nakalimutan kong ibang level pala ang kaabnormalan niya. Bakit ko ba kinakausap to?

"Ma'am oh! Nangongopya  si Yuk-" tinakpan ko yung bibig niya.

Nakatingin kasi ako sa testpaper niya,so syempre ako yung magmumukhang nangongopya. Grabe. Iba talaga level ng kaabnormalan niya medyo may konting talino eh. Galing! Sarap sapakin.

"Gusto mo sapak?"

"Hindi. Gusto ko sagot." Ngumiti ito ng malabudoy. -_-

*sighs*

Pakopyahin ko na nga. Kawawa naman. Baka  kasalanan ko pa at hindi nakapasa ang ama ni Yohan. Kawawa naman.

Inalis ko ang pagkakatakip ko sa papel para makakopya siya. Nasayang lang oras ko sa kanya. Bakit ba kasi kinakausap ko siyaaaa? Aish!

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon