2: Feelings.

673K 6.3K 1.2K
                                    



Mich's POV

Lunch break.

Papunta na ako sa Mini House na pinagawa sa loob ng campus para sa aming magbabarkada. Madalas dyan kami tumatambay at kumakain.

"Michelle Reyes!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Francis. Siya lang naman ang may lakas na tumawag sa buong pangalan ko. Classmates ko siya sa tatlong subjects ko. Siya din kapartner ko sa mga kalokohan kapag magkasama kasi.

"Oh problema mo Francisco?" Hinintay ko ito makalapit sa akin. Binigay ko naman kaagad sa kanya ang mga gamit ko pagkalapit sa akin. Automatic naman niya kinuha at dinala ang mga books ko.

"May bagong chix daw?" Tanong niya. Naglakad na uli kami na sabay.

"Sino?"

"Yung kasama niyo daw sa library at yung nakaaway ni Tyler sa klase nila kanina." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Nagkita na sila? Nakaaway ni Tyler si Yuki? Oh well, thats not new. Pero ano kaya naramdaman nila nung nakita nila ang isa't-isa? May spark kaya? May naramdaman kaya silang something?

"Basta sa chismis ang bilis mo! Napakachismoso mo talaga!!!"

"Michelle,hindi ako chismoso ok? Sadyang naririnig ko lang yung usapan nila. Alam mo naman,pagdating sa inyo mabilis magtrending ang chismis. Dami na ngang hater nung babae. Maganda ba siya?" Hay naku. Wala talaga magawa yung mga tao ngayon kundi pagusapan ang ibang tao. Ugh.

"Ewan ko sayo. Maggirlfriend ka nga! Nang hindi ka tanong ng tanong ng mga babae!"

"Ikaw kaya tong hinihintay ko." Napahinto ako at tinignan ito. Nagtataka naman itong huminto at tumingin sa akin.

"Pfft. Binibiro lang kita. Wag mo seryosohin. Hindi ako pumapatol sa kalansay!" Natatawang sabi naman niya. Kapal naman nito.

"Oy, ang kapal mo ah!"

"So kamusta kayo ni Kyo?" Tanong niya.  Napasimangot na lang ako. Naglakad na uli kami.

"Alam mo kasi Michelle..Magkaiba kase ang kakilala sa kaibigan. Ganun din sa love, magkaiba ang mahal sa kailangan lang."  Sabi niya.

"Kailangan ka niya ngayon, dahil wala yung mahal niya. Pero paano kung bumakik na siya?" Actually, bumalik na siya.

"Kapag bumalik mahak niya, nganga ka na naman."

"Oo na! Oo na!" Naiinis na sabi ko. Hindi naman kasi niya kailangan ipamukha e.

"Mali bang mahalin siya?" Huminto uli ako sa paglalakad. Ganun din ito. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at hinila palapit dito.

" Hindi naman mali ang magmahal, siguro nagkamali ka lang talaga ng taong minahal." Sabi niya. Tinapik ko naman yung kamay niya Na nakaakbay sa akin.

"Oo na. Papa jack ka na naman e. Alisin mo na kamay mo!"  Tinapik tapik ko ang kamay niya.

"Maya-maya na. May gusto lang akong makita. Kikikigin ka dito." Nakangiting sabi niya. Duh? As if kikikigin ako sa kanya.

"Ha? Yung mata yung ginagamit hindi yung akba--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may humila sa akin dahilan para maghiwalay kami ni Francis.

"Sorry pre, may pag-uusapan pa kasi kami e." Sabi ng nanghila sa akin.

"Hoy Kyo! Ano na naman ba?" Medyo naiinis kong sabi.

"Ok lang pre. Sige Michelle, mamaya na lang uli." Sabi ni Francis at tumalikod na pero humarap uli.

"Michelle." Tawag niya sa akin.

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now