29: Past. PRESENT. Future.

420K 6K 1K
                                    

Available na po ang TILOFIL 1 book 1&2 of 4 sa lahat ng Precious Pages Stores! 

Sa lahat ng nakabili na ng book 1& 2,ipost lang ang selfie niyo na kasama ang 2 books KUNG GUSTO NIYO MAPASAMA SA DEDICATION SA BOOK3! 

**

Chapter 29: Past. PRESENT. Future.

Hachiro’s POV

“Akala ko ba 1 week ka lang diyan?” tanong ni Yuki sa akin.

Kasalakuyan ko siyang kausap sa phone ngayon.

“Sorry,may mga importanteng bagay lang ako inaayos dito.” Sagot ko.

Narinig ko ito suminghot.

Umiiyak ba ito?

O namimiss lang ako?

“May problema ba?” tanong ko.

“Namimiss lang kita..” sabi niya.

Napangiti ako.

Pero mukhang may problema din ito.

“May problema ka ba?” tanong ko uli.

“Wala bang I miss you too diyan?” naimagine kong nakasimangot ito habang sinasabi niya yan.

Bahagya akong natawa.

“of course namiss din kita. Alam mo yan.”

“Parang hindi naman.” Kunwaring nagtatampo ito.

“Miss na miss na miss ko na ang matakaw na si Yumiko..”

“Hindi ako matakaw!” sabi niya.

“Hindi? So ano?”

“Hindi ako matakaw,sadyang laging bored lang talaga ang tiyan ko.”

“Tsaka hindi mo ba alam na ang tyan at ang bibig ay magbestfriend? Kaya nga lagi silang nagbabonding e.”

Naks. Magaling din sa mga palusot tong si Yuki e no?

“Oo na,bored lang lagi ang tiyan mo. Hindi ka talaga matakaw.” Sabi ko na lang.

“Hindi nga kasi.”

“Hey Hiro,nakita mo ba si Sarah?” napatingin ako sa nagsalita.

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now