26: SAY YOU LOVE ME.

400K 5.7K 668
                                    

Published na po ang TILOFIL and its already out in all Precious Pages Stores,National Bookstore and other leading bookstores nationwide. Please get your copy now. for only 119.75 :) THANKYOU.

**

Chapter 26: Say You Love Me.

Hana's POV

"Wala. Ano naman sasabihin ko?"

"About sa baby mo." Napatingin ako sa kanya. Tinignan niya ako kaso mabilis lang at nagfocus na uli sa daanan. Ang seryoso ng mukha niya.

Konting-konti na lang sasabog na dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko.

"I mean si Gab." Sabi niya.

Kahit tinama niya ang sinabi niya,hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Alam kong iba na to. May something sa kanya na hindi ko maintindihan.

"Hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang baby mo."

"Ahh,h-hindi naman importante."

"Importante yun para sa akin. Lalo na't konektado ako."

Dustin,please! Tumigil kana sa pagbibigay ng message na doble meaning!

"I mean,alam mo naman gusto kita-mahal kita,siyempre importante yun sa akin para malaman ko kung hihinto na ako sa pagpapakita ng feelings ko sayo." Sabi naman niya.

"Matagal ko naman na sinabi sayo na-"

"I know. Pero that time akala ko nagbibiro ka lang at pinagseselos ako,hindi pala."

Hininto niya ang cotse. Napatingin ako sa labas. And napaWOW ako. And finally nakahinga na akong ng maluwag.

Naeexcite akong bumaba sa cotse.

"Ang ganda."

"You like it?" tanong ni Dustin.

Tumango ako.

"Thank you." Lahat ng iniipon kong luha kanina unti-unti nang lumalabas.

Iginala ko ng tingin ang paligid. Ang ganda. Ang ganda talaga. Nasa taas kami ng hill or bundok,hindi ko alam. Basta nasa taas kami. Kitang kita ang beach at yung bahay-bahay.

Gamit ang candles nakaform ang I

May mga lights and balloons din sa mga puno na nakapaligid sa amin. Hindi ko alam kung paano niya nagawa pero umiilaw yung balloons! >.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papunta sa gitna kung saan may picnic set up. May foods din and wine. Kinuha niya yung roses at binigay sa akin.

"Thankyou."

"Tinakas ko lang yan kay Kevin." Natatawang sabi niya.

Ayy. Alam niyo yung kilig na nabiten? Eto yun e! bwiset!

Napansin ko yung hot air balloon sa may malapit sa beach.

"Sila Kevin at Trish ang andun." Napansin siguro niya na nakatingin ako dun.

"Ahh. Ang cool ng surprise ni Kev."

"Aww,masakit yun ah."

"Ha? Bakit?"

"Syempre ex mo yun,tapos sasabihan mo ng cool yung surprise niya tas yung akin... wala ka man lang nasabi."Parang batang nagtatampo.

Iba na naman siya. Kung kanina nakita ko ang cold side niya ngayon mukhang bumabalik na siya.

"Cool nga sa kanya,pero mas gusto ko yung iyo."

"Totoo?"

"Hmm-mm." tumango ako.

Fall In Love Once AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora