21: Weydo

458K 7.6K 1.6K
                                    

Hi kay Juliet Repollo Valera! <3 Hello din kay Romanaamm :">

May Official Tshirt na po ang TILOFIL! Pink yung kulay ng shirt pero pwede kayong magsuggest ng black or white kung gusto niyo. :) Nasa gilid yung picture! :)

Price: 300 including shipping fee with free name na isusulat sa likod ng shirt! :) Sa gustong magorder,ipm niyo lang sa fb si Juliet Repollo Valera. :)

**

Chapter 21: Weydo





Trishia's POV



Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto. Pinupuntahan naman ako ni Kevin kaso nagkukunwaring tulog ako.



Nakakapagtampo kasi. Hindi man lang niya naalala yung 1st monthsary namin. Nakakainis!



Nang may narinig akong apak papunta sa kwarto ko nagcover ako ng kumot.



Hinintay ko siyang buksan niya ang pinto.



Siguro si Kevin na naman. Every 30 mins kasi pumapasok siya sa kwarto,chinecheck kung gising na ako.



Pumikit ako ng marinig ko ng pumasok ito.



"Anong kaartehan yan?"



Boses ni Kuya Ty yun ah! Sumilip ako ng konti.



Si Kuya nga.



Nakasimangot akong umupo.



"Kailan ka umuwi?" Tanong ko dito.





"Ngayon lang." Humiga ito sa kama ko.





"Saan ka nagstay?" Dalawang araw kasi itong hindi um uwi at hindi nagparamdam. Siguro nag-isip-

isip.





"Umuwi ako sa bahay.."



"Galit ka din ba sa akin?"





"Bakit naman?"





"Kasi nga isa ako sa hindi nagsabi-"







"it's ok. Hindi naman ako galit sayo."





"Talaga?"





"Yup. Pero may tanong ako.."





"ano yon?"





"Minahal ko ba si Yumiko?" seryosong tanong niya. Nakatingin ito sa ilaw na para bang hinahanap iyadoon yung sagot sa tanong niya.







"Hindi mo siya minahal... Sobrang minahal mo siya to the point na ginawa mo siyang mundo." Sabi ko.



Tinignan niya ako.



"Kung ganun,bakit hindi ko siya maalala? Bakit siya lang yung hindi ko maalala?"



"Kasi nga nun naaksidente ka,sobrang depress mo at siya lang iniisip mo.."







"Bakit sobrang depress ako nun?"





"Dahil... umalis si ate Yuki ng hindi mo alam.." napayuko ako.





Hindi ko mapigilan ang maluha,tinitignan ko pa nga lang yung situation nila nahihirapan na ako,paano pa kaya sila na sila mismo ang nasa situation.







Fall In Love Once AgainOn viuen les histories. Descobreix ara