30: Advice.

405K 5.8K 992
                                    

Chapter 30: Advice.



Yuki's POV

Napasinghap ako ng Makita ang nakahalandusay na lalaki. Duguan ito at sa bugbog na natama niya hindi mo na ito mamumukhaan. Tinititigan ko ito.

"Oh my gosh!" nanginginig akong napahawak sa bibig ng makilala ko kung sino ito. Hindi ko alam pero biglang nanlambot yung tuhod ko kaya napaupo ako.

Nagtagpo yung tingin namin ng lalaki. Itinaas niya yung kamay niya na para bang gusto niya akong abutin.

"Y-yuki..mo." bulong niya sa pangalan ko.

Sa pagtawag niya sa perv version ng name ko,biglang tumulo yung luha ko.

Napahinto sila ng marinig nila ang paparating na pulis. Thank God at malapit lang dito ang pulis station.

Hinayaan lang ni Dustin yung tatlong lalaki na tumakbo,siguro dahil alam niyang mahuhuli din ang mga ito dahil hindi naman ganun kalakihan ang eskinita. Mapapansin mo din na pagod na ito.

Pero hindi ko aakalain na magaling din pala ito makipaglaban. Hindi ko nga alam pero parang nangyari na itong scene na ito. I mean,yung part na nakikipagsuntukan si Dustin sa mga lalaki.

Ugh.

Simula nakilala ko sila,araw-araw feeling ko déjà vu.



"OK ka lang bro?" ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki na nakahalandusay. Linapitan siya ni Dustin.

"What do-do you think? Do I-I look ok?" halata sa boses niya na nakainom ito.

"Aish! Ano na naman ba tong pinasok mo?" nag-aalalang tanong ni Dustin.

Tinulungan niya itong makatayo,dahil hirap na hirap itong tumayo.

Gusto kong lapitan siya pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Ok ka lang ba Yuki?" tanong ni Dustin. Lumapit sila sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni Dustin.

Muli,nagtagpo uli ang mga mata namin.

"Yu-yukimo." Tawag niya sa akin sabay tumawa ito. Napakunot ang noo ko.

Ano bang nakakatawa?

Oh yeah. My perv name!!!

PEro maya't-maya biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa pagtawag niya ng pangalan ko.

"Yumiko.." hindi ko alam kung saan nanggagaling yung luha niya. Kung sa sakit ba nakuha niya sa bugbog o sa nakita niya ako... ang babaeng kahawig ng girlfriend niya.

"Yumiko.." tawag niya uli sa pangalan ko.

"Maha-" *Boogsh*

Muli napahalandusay uli si Tyler. Dahil na rin sa lasing ito,nakatulog na ata ito.

"Oh my-" napahawak uli ako sa bibig ko.

"BAkit mo siya sinuntok?" tanong ko at nagmamadaling lumapit sa walang malay na si Tyler.

"Uhmm. Ano.." nagkamot ng ulo si Dustin.

"Ano?" tinignan ko ito ng masama.

"A-ano kasi.. kasi.. kapag lasing yan,gumagawa ng kalokohan.. oo ganun na nga."

Tinaasan ko siya ng kilay. Halata namang nagsisinulangaling ito.

"A-ano na naman?" tanong niya.

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now