Chapter 62

57.2K 2K 647
                                    

MAY READER PA BA AKO? T___T


HAPPY NEW YEAR GUYS! THANK YOU SA PAGHIHINTAY NIYO SA UPDATE NA NAPAKATAGAL. SORRY,NAWALAN LANG TALAGA AKO NG GANA NA MAGSULAT TAPOS TINATAMAD NA. 

THANK YOU SA MGA READERS KO NA HINDI AKO INIWAN NA UNTIL NOW BINABASA PA RIN NILA ANG FILOA. THANK YOU! BABAWI AKO THIS YEAR. I LOVE YOU ALL. 

- GeaArra


Author's Note: 

Madaming revelations sa chapter na ito. madami kayong itatanong sa akin kapag nabasa niyo na to. HAHAHAHA. Medyo binibilisan ko na din yung story para matzos na ito makapagfocus sa sides stories nila. 

 so yeah! Enjoy Reading!


Chapter 62: 

Yuki's POV

Andito ako ngayon sa mall,nagshoshopping for christmas. Ilang araw na lang Christmas na. Sila Kyo,Kevin and Dustin na lang ang kulang ko then tapos na ako. Sila Kyo at Kevin kahit perfumes lang okay na sila.

Hindi ko lang alam kay Dustin. Hindi mo kasi malaman kung anong mental age niya eh. Hindi mo alam kung ano ang trip niya. Maloloka kaisip anong gusto nung lalaking yun. Si Hanako na lang kaya ibalot ko at igift sa kanya? For sure matutuwa yon at magtatalon sa tuwa.

"Yo."

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin.

"Nagpaalam ka ba niyan sa asawa mo?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya.

"Hay nako,Haching! Magpakabait ka naman kay Sarah." Kakakasal lang nila last month. Masyado kasing nagmamadali yung family nila. Okay naman si Sarah and hindi lang okay ay pinsan niya si Allison. Kaya siguro medyo hindi okay itong si Haching kay Sarah. Mabait naman siya kay Sarah pero in a cold way.

Hindi siya kumibo sa sinabi ko. Tahimik lang ito sumabay sa akin sa paglakad.

"Mas gift kana ba kay Sarah?" tanong ko.

"Hindi naman kami magkikita sa Christmas."

"Eh?"

"Sainyo ako magchrichristmas,tapos siya naman sa family niya."

"Eh?"

"Hindi pwede yun!" huminto ako at humarap sa kanya.

"Pwede ba wag na siya pag-usapan natin? minsan na nga lang tayo magkita eh." reklamo niya.

"Eh kasi naman first christmas niyo yun bilang mag-asawa!"

"So? Gusto din naman niya magcelebrate siya kasama family niya."

"For sure ikaw ang nagsuggest dun."

"Umagree naman siya."

"Syempre binigyan mo siya ng idea na ayaw mo magchristmas na kasama siya!"

Tumahimik ito. Parang ayaw niya talaga pag-usapan yung marriage nila. Ang alam ko okay naman sila bago sila kinasal. Ano kayang nangyari?

Invite ko kaya si Sarah sa bahay? Hmm.

**

Kakatapos lang namin magshopping ni Haching. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop hinihintay sila Mich.

"Kamusta kana?" biglang tanong ni Haching.

Napaangat ako ng tingin at tinignan siya. Seryoso lang din siya nakatingin sa akin.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon