Chapter 53: </3

135K 4K 1.5K
                                    

SHORT UPDATE! :)

Chapter 53: </3

Tyler's POV

Napangiti ako ng Makita ko si Yukimo na nag-iisa sa cottage samantalang ang iba ay naglalaro at n agsswimming sa beach. Lalapitan ko sana ito pero naunahan ako ni Ej.

Psssh.

Tumalikod na lang uli ako. Kesa naman panoorin ko pa sila at masaktan pa ako.

Napahinto ako ng maalala ko ang sinabi ni Alexa kanina.

**Flashback.

Lumabas ako para magyosi pero nagulat ako nang Makita si Alexa na nakaupo at nakayuko.

"Yung kiss.. sayang.." nakasimangot na bulong ni Alexa.

"Anong kiss?" tanong ko nang makalapit sa kanya.

"Ay Unggoy na Gala!" gulat niyang sigaw. Unggoy talaga? Hindi pwedeng pusang gala?

"Ha? Kiss? Yung kisses... yung chocolate? Ano.. uhm.. naiwan sa bahay. Oo,yun nga nangyari." Pilit itong ngumiti. LIAR.

"Sino nagkiss?" tanong ko na ikinaubo niya.

"A-anong... sinong nagkiss? Meron ba?" patay malisya niyang tanong. Feeling ko talaga may tinatago ito. Pero sige na nga hindi ko na ito kukulitin.

"Happy birthday nga pala uli." Pinalo niya ako sa legs ko,nakatayo pa rin kasi ako,tapos siya nakaupo.

"Thanks." matipid kong sagot.

"Lex.. favor?" hindi ko alam pero bigla ko na lang ito naisip ng makita ko si Lex.

"Favor? Ano ba yan? Tutal birthday mo naman baka gawin ko." Nakangiting sabi niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Pwede bang... pwede bang agawn mo si Ej kay Yuki?" seryoso kong tanong kay Alexa na ikinalaki ng mata niya sa gulat.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" tanong niya.

Siguro nga. Siguro nga nasisiraan na ako ng ulo. Siguro nga sobrang desperado na ako.

"Wala na akong maisip na paraan.."

"Magmove on.. yun ang tamang paraan. Mag-isip ka nga Tyler. Magpakamature ka. Tama na tong katangahan na ginagawa mo. At wag mo akong idamay."

"Alexa naman.." magmove on? mag-isip? Magpakamature? Pssh.

"Wag mo akong inaAlexa naman diyan!"

"Tyler..." tumingin ito sa akin.

"Alam mo yung katangahan?" tanong niya. "Ok.. lets define tanga."

"Alam mong iba na yung mahal niya,tuloy ka pa rin."

"Alam mong wala ng pag-asa,umaasa kka pa rin."

"Alam mong impossible pero naniniwala ka pa rin."

"Alam mong nasasaktan kana,pero Go pa rin."

"Alam mong wala na,pero pinupush mo pa rin."

"Alam mong tapos na,dinudugtutungan mo pa rin.."

"Alam mo kung sinong tanga? IKAW." Sabi niya sabay turo sa akin.

"MOVE ON TYLER SMITH!"

"Wala akong pakialam. Please Lex,Malay mo mainlove sayo si Ej-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Hindi mangyayari yon!" sigaw niya. Bakit kila Drake at Alys diba? Malay natin may ganun talaga.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon