28: Pain

376K 6.1K 500
                                    

HAPPY 3M READS TILOFIL2! <3

 Hello kay Michelle Marie Cortez Maico! :))))

ayan kahit 2.2k pa lang ang votes,nagUD na ako! SUPER SHORT UD nga lang! HAHA.

**

Chapter 28: Pain.

Alexa’s POV

Tinignan ko uli si Tyler,nakatingin na ito kay Yuki. Binalik ko na uli ang tingin ko kay Yuki na mukhang kinakausap ang sarili sa inis.

“Alam mo.. yung feelings mo sa kanya,huwag mong gawing soccer. Dahil isang malaking katangahan ang pagsipa mo sa kanya palayo at hahabulin ulit.”

Hinawakan ko yung kamay niya ng marinig ko itong suminghot,sign na umiiyak ito.

“Hindi ko na alam.. hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Ang gago ko Lex,ang gago ko..” umiiyak na sabi niya.

Napakunot ang noo ko.

Anong ibig sabihin niya?

Alam na ba niya?

Naaalala na niya?

 “Naalala mo na?” tanong ko.

Umiling ito.

“May nagsabi sa akin.”

May nagsabi sa kanya? Sino?

Hindi ba ang usapan namin,walang magsasabi? Sino ang nagsabi?

Si budoy kaya?

Hay naku,Dustin! Lagot ka sa amin.

“Someone.”

“Isa sa mga kaibigan natin?”

Umiling ito.

“EH? Sino?”

“Just someone.”

Sino nga kasing someone na yan? Letche ha!

“Ano sinabi niya?”

“Kung gaano ako kagago.”

“Ty…”

“Ang gago ko Lex. Grabe ang ginawa ko kay Yumiko.”

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now