Chapter 50: Bonfire I

209K 3.8K 929
                                    

Chapter 50: Bornfire I: Wag masyadong sweet.

Yuki’s POV

“Bonfire?” tanong ko kay Mich. Pumasok kasi ito sa kwarto ko. Oo,tagiisa kami nng kwarto,Malaki kasi yung mansion ng mga Smiths e.

“Oo,kaya bilisan mo.” Sabi niya.

“Hindi ba pwedeng wag pumunta?” tanong ko. Actually,ayoko lang talaga makita ngayon si Tyler. Simula nalaman ko yung katotohanan,iniiwasan ko na ito. Ayoko na nga din sana sumama kaso baka magtaka sila Ej. tsaka ako lang nun ang hindi makakasama pagnagkataon.

“Wag KJ. Bilisan mo,hintayin ka namin.” Sabi niya then lumabas na ito sa kwarto ko.

Napaupo ako.

Sabihin ko na kaya sa kanila na alam ko na? para naman alam nila ang awkward kapag nagkakaharap kaming tatlo.  Pero ayoko naman sila isali sa problema ko. Im sure maapektuhan sila.

Ugh.

Buti pa ang problema ko lumalaki,pero yung boobs ko… NEVERMIND. >____<

Kumuha ako ng pj ko at sando. Hindi na ako pupunta,matutulog na lang ako. Pero syempre joke lang,magsusuot na ako ng Pajama para pagbalik dito,higa na at matutulog na agad agad.

Nagbeep ang phone ko. Si Ej nagtext.

‘Pupunta ka ba sa bonfire o magpapahinga kana?’

‘Ikaw ba?’ tanong ko. Para naman paghumindi ito,hindi na din ako.

‘Depende kung pupunta ang girlfriend ko  o hindi. Boring pag wala siya. ;)’ reply niya na ikinangiti ko.

‘Pupunta ako. San ka ba?’

‘labas. Kasama sila Kevs and Kyo nireready yung gagamitin natin sa bonfire. Puntahan kita? Para sabay na tayo pumunta?’ tanong niya.

‘wag na. akala mo naman malayo ang pupuntahan. Haha. Sige bihis lang ako.’

‘Ok. See you later. I love you.’

‘I love you too.’ Inilagay ko na ang phone ko sa side table ng bed.

Kumuha na ako ng PJ ko at sando at pumasok na sa banyo para maligo. Mabilis lang ako naligo,baka kasi hinihintay na nila ako.

Pagkatapos kong magsuklay lumabas na ako agad.

“Boo!”

“WOAAAAH!” napatalon ako sa gulat.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon