Prologue.

813K 8.4K 961
                                    



TILOFIL BOOK2: FALL IN LOVE... ONCE AGAIN.

PROLOGUE.



Yuki's POV


'Wow!' 

Ang laki pala talaga nitong school na ito. Halos mayayaman ang mga pumapasok dito at puro may mamahalin silang sasakyan. 

Naglakad lakad na ako. First day ko ngayon at medyo excited ako. Actually,tumakas lang talaga ako. Dapat next week pa ako--kami ni Hana mag-eenroll sa ibang school,kaso parang may something na may humihila sa akin na dito pumasok. Kaya kahit alam kong magagalit ang bestfriend ko,nagenroll na ako dito. Nauna kasi flight namin. Hinintay pa kasi niya ang mommy niya para ibigay sa kanya si Yohan. Ewan ko nga kung bakit ayaw niyang isama dito si Yohan. Next week pa ang dating ni Hana. 

Hindi pa nga namin nasasabi kay Mich na umuwi na kami. Gusto kasi namin siya isurprise. Sana makita ko siya ngayon.  Si Kyohei kaya? Tsaka si Kevin. Kilala pa kaya nila kami ni Hana? 

Wow! Ang laki talaga. Nakatingala ako habang naglalakad. Manghang-mangha kasi ako sa ganda at laki ng school. 

"Aah!" Sigaw ko ng muntikan na akong madapa buti na lang may humawak sa akin. Tinignan ko kung sino ito. Isang lalaki,gwapo ito at matangkad.

Narinig ko naman may nagtawanan na babae. Mukhang kasama sila ng lalaki. 

"Miss,tumingin tingin ka ng dinadaanan mo!" Sabi ng lalaki sabay itinulak niya ako. Narinig ko din itong nagsmirk. 

Aba! Ang yabang nito! Porket gwapo e. Tinignan ko yung dinadaanan ko pero wala naman bato o something na mapapatid ako. Tinignan ko ng masama yung lalaki at yung dalawang babae na kanina pa humahagikgik. He tripped me! I knew it! 

"Wag kang tatanga-tanga dito Miss!" Natatawang Sabi niya sabay tumalikod na sila pero bago siya tumalikod kinindatan pa ako. Ewww. 

"Hoy Mr.KrungKrung na mukhang UNGGOY! hindi ako tatanga-tanga no! Alam kong Sinasadya mo yun no?!!!" Sigaw ko. Tumingin naman ito.

"Y-You call me what? Kru-Krungkrung? Unggoy?" Hindi maipinta ang mukha niya. Krungkrung naman talaga siya! Papansin na may saltik! Unggoy? Well,hindi naman siya mukhang unggoy basta lumabas na lang sa bibig ko yun.

"At Ano bang pinagsasabi mo?" Naiinis na tanong niya.

"You tripped me!" Galit na sabi ko. Tinignan ko ito sa mata. Pero parang feeling ko.....nangyari na ito. Ugh. Dejavu lang siguro to.

"Bakit naman kita papatirin? Besides, kung pinatid nga kita Edi sana hinayaan na lang kita madapa." Napaisip ako sa sinabi niya. May point naman ito. Tinignan ko uli yung lugar, wala talagang something na mapapatid ako. Tsaka naramdaman ko talaga na may pumatid sa akin.

Tinignan ko ito ng masama. Hindi pa rin ako naniniwala sa mokung na ito.

"Hoy mokung, hindi ako magpapauto sayo. Alam kong pinatid mo ako!"  Tsk. Ewan ķo ba bigla na lang uminit dugo ko dito sa Gwapong Unggoy na ito. Ok, inaamin kong gwapo siya. Pero ugali niya? Kabaligtaran ng itsura niya. Kainis!

"Mokung? Taga bundok ka ba  Miss? at kung ano-ano na lang tinatawag mo sa akin." Kunot noong tanong niya.

"Hindi ako tagabundok no!" Inis kong sigaw. Bwisit talaga tong lalaking to.

Bigla naman tumawa yung may krungkrung na isang mokung na mukhang unggoy.

"Oops. Sorry, my bad." Natatawang sabi niya. "Hindi ko kasi  napansin.  Obvious naman hindi ka tagabundok, im sure nakatira ka sa PATAG na PATAG na lupa..." dagdag niya. Una hindi ko magets yung sinabi niya pero narinig ko yung mahinang sinabi niya bago ito tumawa. "...flat.." tumingin ito sa hinaharap ko sabay tumawa.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon