4: I missed you.

642K 6K 1K
                                    

Hana's POV

Akala ko may feelings pa ako kay Kevin, pero nung nakita ko siya at niyakap niya ako, gumaan lang loob ko. Wala na yung sakit. Natutuwa ako dahil ok kami, walang bitter feelings.

Habang papunta kami kung nasaan sila Yuki, nakwento niya na sila na ni Trish and im happy for them. Worth it ang paglelet go ko.

Nasabi ko din na punta sila sa bahay, dahil may ipapakilala ako sa kanila ni Kyo. UmuOo naman ito. Buong paglalakad namin ay si Trish lang ang naging bukambibig niya. In love na inlove talaga ito kay trish. Nakakakilig lang.

Nang pumasok kami sa Caf, malayo pa lang nakikita at naririnig ko na ang tawa niya. Bumilis ang tibok ko, parang hindi ko pa siya kayang harapn at sabihin ang katotohanan.

Nang lumapit kami, lahat sila napahinto. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin ito sa akin. Hindi ko mabasa ang tingin niya. Parang ang daming emotions dun. Ano kaya ang sasabihin niya? Matutuwa kaya ito? O magagalit?

"Excuse me.. May gagawin pa pala ako..." Tumayo ito at dinaanan lang niya kami. Hindi man nga lang siya nagHi o ngumiti sa akin.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako sa ginawa niya? Bakit iniiwasan niya ako? Bakit parang galit ito sa akin? Hindi ba niya ako namiss? Bakit ang sakit isipin na ganon?

"Hana!" Niyakap ako ni Michy.

"Hi guys! Long time no see ah." Umupo ako sa tabi ni Yuki.

"Tumaba ka Hana!" Sabi ni Kyo.

"Mataba naman yan, dati pa!" Asar sa akin ni kevin.

"Ang kapal mo! Hindi kaya!!" Sabi ko naman.

Nakipagkulitan naman ako sa kanila. Namiss ko din sila. Mukhang Ok naman sila sa kalagayan ni Yuki.

Chineck ko ang phone ko ng magtext si Hiro. 'Punta kami Mall ni Yohan. Bored kami sa bahay. Gusto niya magtoms world.'

If I know siya lang naman ang may gustong magArcade. Pero dahil siya naman ang nag aalaga sa anak ko, umOo na lang ako.

**

Dustin's POV

Andito ako ngayon sa parking lot. Bakit ganun?

Hindi ko alam...

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko nung makita ko si Labanos. Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina pagkakita ko sa kanya. Gustong-gusto kong sabihin na namiss ko ito ng sobra. Gustong-gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya.

Natutuwa ako dahil bumalik na siya at the same time, nagagalit ako. Bakit siya umalis ng walang pasabi? Bakit ngayon lang siya bumalik?

Nagagalit din ako dahil..... mahal na mahal ko pa rin siya kahit anong pilit kong kalimutan siya noon.

**

Napatingin ako sa katabi ko habang nagloloadingpa ang linalaro ko. Kanina pa kasi ito nakaupo sa tabi at naglalaro sa iphone na hawak niya. At masasabi ko lang, ang ingay niya maglaro. Buti na lang maingay din yung mga tao dito.

Nasa Car Racing kasi ako,tapos yung bata nakaupo sa tabi ko pero hindi naman ito naglalaro. Sa katabi naman niya, I think yun yung kasama niya.

Ang ingay talaga ng bata hindi ko alam kung may kausap ba ito o ganun talaga ito maglaro. Napapangiti nga ako sa mga expression niya siguro kung naiintindihan ko pa sinasabi niya matatawa na siguro ako.

"Nani?"

"Naze anata wa shinda???" Alien na sabi niya. Saan planeta kaya to nanggaling?

Hindi ko maiwasan na titigan ang bata. I think nasa 2 or 3 years old siya. Hindi ko alam pero parang familiar ang batang ito. Parang lagi ko itong nakikita?

Fall In Love Once AgainWhere stories live. Discover now