Chapter One

358 14 5
                                    

~~~~~~~~♥ALL RIGHTS RESERVED. FINISHED OCTOBER  27, 2015♥~~~~~~~~

    No part of this Work shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means – electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise – without written permission from the author.

   The story is "NOT EDITED", so the readers are expected to find spelling and grammatical errors. (tamad pong mag-edit, walang editor)

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

  CHAPTER ONE 

"Alam mo ok ka sana eh, maganda ka, matalino pero may kulang sa pangalan mo. Apelyido ko". - YNIGO



"Aaaaargh!!"sigaw ni Yñigo sabay sara ng Auditing Problems na libro. Could someone remind me again what am I doing here? Sa isang review center library, reviewing for the CPA Board Exam?

"SSSSHHHHH!!!! There are some who are reviewing brod" sita ng katabi niya at kaibigan na si Hayden.

Gustong magsisi ni Ynigo kung bakit ba kasi sa dinami dami ng course, Accountancy pa talaga ang kinuha ni Mariz. Tama, kaya siya nag accounting dahil kay Mariz.

Ang babaeng pinaka-kinaaasaran niya, ang babaeng lagi na lang ay nilalamangan siya, ang babaeng iniisip niya bago siya matulog at pagkagising niya sa umaga. Ang babaeng hindi niya type: 1) Mas matalino pa sa kanya, 2) Walang ka feminine feminine kumilos (kilos lalaki) 3) Natalo siya first time na maglaro sila ng Xbox niya, 4) Clueless about love.

Pero his heart had betrayed him. He had fallen for this dense girl!!

"Y-ñigo! Sorry I am late," bulong ni Mariz sa tenga niya.

Kulang na lang ay mahulog siya sa kinauupan niya. Gusto niyang dagukan ito. Ikarate chop! Naghaywire ang tibok ng puso niya. SHIT! Just by simply her whispering in his ear. How on earth could he concentrate.

"Ok lang." he smiled at her. Umupo ito sa tabi niya.

Nagpapart time job si Mariz kaya hindi siya nakakaattend sa review class. Libre sila since Mariz graduated Magna cum Laude while si Yñigo naman ay Cum laude. Si Yñigo ang nagtuturo dito.

"Anong itinuro ng prof today?" tanong ni Mariz habang tinitingnan ang hawak na libro ni Yñigo. Hinablot yun.

"Patingin."

Hinablot ulet ni Yñigo. He didn't know kung may naisulat ba siya dun na Ynigo love Mariz or something.

"Taxation ang subject ngayon at Prac 2. Here eto tax table." Abot ni Ynigo ng reviewer kay Mariz.

Mariz looked at it and said. "Pamilyar na ko dito. Kabisado ko na ang tax table ayun kasi ang ginagawa ko sa part time job ko." Nagpapart time ito sa isang Accounting Firm.

Naiiling si Ynigo. Oo nga naman! Malamang alam na ni Mariz lahat ng topic. Tutal ikaw naman tong matalino. Paki explain nga tong nararamdaman ko sayo. Yan siguro ang hindi mo masasagot! He smirked.

Tumingin si Yñigo dito. Nakatingin din ito sa kanya. His heart skipped a beat.

"Are you alright Y-ñigo?"

"Ok lang. Kulang lang sa kain. Tara."

Tumayo sila at nagpaalam kina Hayden na aalis na. As usual nakahawak sa kamay niya si Mariz na parang ito ang pinaka normal na gawain ng magkaibigan. Mariz, magkaibigan tayo hindi magboyfriend. Hihintayin ko na marealize mo na mahal mo ako.

___

Gustuhin man ni Yñigo na hawakan buong maghapon ang kamay ni Mariz, it's time to let her go. Nasa Parking lot na sila.

"Mariz, saan mo gustong kumain?" sabi niya sabay bitaw sa kamay nito at bukas ng kotse.

"Kahit saan. Basta kasama kita," si Mariz nakangiti habang nagseseat belt.

Napasinghap si Yñigo. Playing word games again. Nang hindi man lamang alam ni Mariz. Kahit kailan hindi sasagi sa isip nito na iba ang pumapasok sa isip niya kapag ganito ang mga banat ni Mariz sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Uy libre ka ba sa Sabado??," tanong ni Mariz ng nasa daan na sila papuntang mall.

Matagal bago siya sumagot. "Bakit may lakad ka ba??"

"Yayayain sana kitang makipagdate." Napaubo si Yñigo. Hindi niya inaasahan na si Mariz pa ang unang magyayaya na lumabas sila. Sure palagi naman silang lumalabas. Kumakain. Pag may bibilhing gamit sa school pero wala dun ang considered date diba. Malamang ito na ang pagkakataon niya para ipaalam kay Mariz na...

"Yung kaibigan ko kasi sa part time job ko, may Crush sayo. Kung pwede ka daw ba?? Please."

What the hell! Ibinenta talaga siya ni Mariz sa iba.

"Pakisabi sa kaibigan mo, may iba na akong gusto." Matabang na sagot ni Yñigo.

Madalas niyang sunduin si Mariz sa Accounting Firm kung saan ito nagpapart time job at malamang nakita siya ng kaibigan nito.

"Oh! Sorry. Wala ka naman kasing nababanggit na gusto mo.." Mariz voice trailed off.

Wala akong nababanggit dahil kung gusto mo talagang malaman kung sino ang gusto ko, parang tinanong mo na rin kung anong pangalan mo!! Sigaw ng isip ni Yñigo. Manhid talaga.

"Pero hindi ibig sabihin na porke wala akong sinasabi sayo wala akong nagugustuhan. Hindi naman lahat ng tungkol sakin dapat alam mo!," sigaw niya sa dalaga.

Parang nabigla naman si Mariz. When he looked at her, parang iiyak ito. SHIT!

"Sorry Yñigo." Mariz touched his shoulders tentatively. "Please ayaw kong nagagalit ka sa akin."

As if kaya niyang tiisin pag ganun na ang tono ni Mariz. "I'm sorry too. Basta wag mo na ulet gagawin yun."

"Peksman. Promise. Swear to God." Mariz raised her hand na parang manunumpa then hugged him. Sa loob ng kotse. They had already entered the parking lot at kasalukuyang naghahanap ng paparadahan si Yñigo.

Oi. Oi. Don't hug me in the dark!!

"Okay. Okay." He muttered under his breath.

When they got out, Mariz automatically held his hand. She smiled at him.

"Yñigo sorry again. Wag mo na ding uulitin yun ha! I don't want to lose you."

Me too. I don't want to lose you. So don't fall for anyone else.


going out with YñigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon