Chapter Two

172 12 0
                                    

"Kapag kasama kita MAYAMAN ako kasi MAHIRAP kapag wala ka." - MARIZ


Nasa manibela si Yñigo sakay si Mariz at ang ina niya. Maaga pa lang ng maulila sa ama si Mariz kaya naman sanay siya sa hirap. Ang ina niya ay isang nurse. Usually gabi ang duty nito kaya mag-isa lang sa gabi si Mariz. Ngayon ay oath taking ceremonies nila ni Yñigo. She had passed the CPA Board exams at kasama sila ni Yñigo sa TOP 10. Siya Top 3 si Ynigo Top 8.

Mariz can still clearly remember the day that he met Yñigo. Typical of the Rich. Arogante. Mayabang. Pero among all her classmates, hindi siya binully nito. Palagi siyang nakikisabay sa mommy ni Yñigo kung ihahatid na ito sa school. Madalas ilibre siya nito ng lunch. She was a scholar student at mahirap para sa kanya ang mag adapt sa lugar kung saan mahirap siya. She was on the Andrada Scholarship Foundation from third grade hanggang sa mag college. And she wouldn't have stayed at Brenton if not for Yñigo. Marami namang ibang kaibigan si Yñigo, both boys and girls that time pero he still choose to hang out with her. She didn't have many friends back then. Feeling kasi niya hindi siya belong sa mundo nila. Kaya may sarili siyang mundo. Pero buti na lang nandun palagi si Yñigo. She couldn't afford to lose him.

"Ma. Mamaya po may celebration lang sa bahay sa Batangas. Iniimbita po kayo nila Mommy."

Natigilan si Mariz. Oo nga pala, Mama ang tawag ni Yñigo sa nanay niya simula pa nung bata sila. Natandaan niya yun nung bata pa siya ng malaman niyang naaksidente ang nanay niya sa teacher nila. Takot na takot siya. Hindi niya alam ang gagawin. Buti na lang andun si Yñigo. Sinamahan siya sa ospital. Buti hindi malubha. From then on binilhan siya ni Yñigo ng cellphone dahil delikado daw na wala sya nun gayong silang dalawa lang ng nanay niya.

"Nako Yñigo, me duty ako. Isama mo na lang yang si Mariz para naman makapagrelax yang isang yan. Minsan lutang na eh. Salamat nga pala sa imbitasyon paki sabi sa magulang mo."

"Sayang naman Ma."

"Anong sayang. Bukas mo na lang ihatid si Mariz sa amin kase wala din naman yang kasama sa bahay. Bukas pa ang uwi ko." Pagtataboy ng ina ni Mariz.

"Nay! Ano kaba naman. Kaya ko naman mag-isa." Sita ni Mariz sa nanay niya.

"Mabuti na rin yun para makapag solo kayo," patuloy ng ina niya.

Bago pa makapagreact si Mariz, naunahan na siya si Yñigo.

"Ma!!" , bulyaw ni Yñigo na iiling iling. Nakatingin ito sa ina niya ng makahulugan.

Nakakahiya talaga to si nanay oh. Lagi na lang ako binibilin kay Yñigo. Lumingon siya kay Yñigo. Pulang pula ito. Kung dahil saan hindi niya malaman.

"Kaw talaga ma, nakakahiya kina Yñigo. Celebration nya yun. Tapos ibibilin mo ako sa kanya. Baka andun yung gusto niyang babae tapos dadagdag pa akong aasikasuhin." Sabi ni Mariz.

Napatingin naman ang nanay niya kay Yñigo.

"Ah. Inimbitahan mo din pala siya." Makahulugang mungkahi ng ina niya kay Yñigo. Ibig sabihin kilala ng nanay niya kung sino ang gusto ni Yñigo at ni hindi binabanggit ng ina niya sa kanya??

Hindi na naitanong ni Mariz sa ina kung sino man ang tinutukoy na babae ni Yñigo. Nagparada na sila sa tapat ng PICC. Kasunod nilang kotse ay sakay ang magulang ni Yñigo.

Nagtipon tipon sila sa entrance ng PICC.

"Iha congratulations. You made it to the top! Pag-aagawan ka ng mga accounting firms niyan." bati ng tatay ni Yñigo.

Nahiya naman si Mariz. Namula siya.

"Thank you po tito." Sabi ni Mariz habang kinakamayan ang tatay ni Yñigo. "Si Yñigo din naman po." Sabi niya. Out of habit nakahawak siya sa kamay ni Yñigo. Napatingin dun ang nanay ni Yñigo sa kamay nila. Nailang naman bigla si Mariz.

"Ah Maricon. Mamaya pala ang celebration ng mga bata. Sana makasama ka?" tanong ng ina ni Yñigo na si Aerish sa nanay ni Mariz.

Nakipagkamay ang ina niya sa mommy ni Yñigo.

"Nako naka duty ako mamaya eh. Si Mariz na lang. Congrats nga pala kay Yñigo."

"Naku sayang naman. Para sa mga bata ang selebrasyon eh wala bang ibang bisita si Mariz?" si Aerish.

"Nako pareho lang po kami ng kaibigan ni Yñigo." Nakangiting sabi ni Mariz.

The oath taking went smoothly. After that they went to MOA and ate at Vikings. Sila ng nanay niya, at si Yñigo pati ang magulang nito. Pagkatapos nun ay inihatid na nila ni Yñigo ang nanay niya sa ospital. Dumiretso sila sa inuupahan nilang bahay ng nanay niya at kumuha siya ng gamit papuntang Batangas.


going out with YñigoWhere stories live. Discover now