Chapter Twenty

61 5 0
                                    

"True love doesn't mean you will never break up, it means you will always get back together." -MARIZ


She parked her Lotus Evora in her designated parking lot. Napasecond look pa ang iba na makitang babae ang nagmamaneho. Ang gwapo talaga nitong kotse ko parang yung unang may-ari nito, nangingiting sabi ni Mariz. She had given her Mazda sa nanay niya.

Masaya siyang pumasok sa trabaho. When lunch went, she texted Yñigo kung pwede silang sabay. Nagreply ito na busy. When she tried calling his office, ang sabi ng PA niya hindi daw pumasok. What?? Hindi pumasok hindi alam ni Mariz. Parang bigla naman siyang nalungkot. Akala niya sabay silang maglalunch ni Yñigo.

Nang matapos ang buong maghapon nagtext si Yñigo. He was asking kung pwede daw ba niyang dalhin ang ilang importanteng documents sa lugar na sinabi nito. Nagreply naman si Mariz. Matapos magpagaling mukhang tutok sa trabaho si Yñigo agad. Well you can't blamed him dahil nitong nakaraan marami itong naging leave.

Dala dala ni Mariz ang mga dokumento ng pumasok sa isang lugar sa Alabang. Malapit lang naman sa bahay nila kaya okay lang sa kanya idaan. May binigay si Yñigo na tao na hahanapin niya. When she parked her car, napuna niya parang madami atang tao. Maganda ang ambiance ng lugar. Kasi siguro dahil magpapasko na.

May taong naghihintay sa lobby.

"Ms Mariz??" tanong nito.

"Uh Lawrence??" tanong niya. Tumango ito at inabot niya ang dokumento. Mission done. Nang paalis na siya tinawag siya ni Lawrence.

"Ah mam. Baka gusto niyo pong makita ang mga artworks ni Ms Yumi Villavicencio??"

Her eyes bugged. "Si Ate Yumi??," then she gazed around. Sure enough para ngang exhibit ng mga paintings. She nodded and began walking. Sa unang picture may nakadrawing na batang babae. A girl of about ten. Ipinapakilala sa klase while somewhere at the back may nakaupong lalaki staring broodingly at the girl. Ang caption: TEN YEARS AGO: Fourth Grade.

Kinabahan siya. Then next drawing. FIFTH GRADE. It shows a drawing na nasa kotse. She recognize herself, the twins and Yñigo riding on tita Aerish's Van. SIXTH GRADE. It shows her getting the Valedictorian and Salutatorian si Yñigo. SEVENTH GRADE. When she was rescued by Yñigo from Tiffany. Hindi namalayan ni Mariz may luha na pala na pumapatak sa mata niya. Sa bandang huli was a drawing nilang nagsasayaw ni Yñigo sa Batangas. Yung picture niya sa opisina na nakalagay sa frame. Naka charcoal ang pagkaguhit sa mga larawan. Ang CAPTION: Sweetest Dance during their Board passing celebration in Batangas. Sa huling picture ay naka luhod si Yñigo. May hawak sa kamay. While she while she.... She looked up and sure enough Yñigo was slowly walking to her kung nasaan siya. Ng tumapat sa kanya lumuhod ito at binuksan ang dala dalang kaheta.

"Mariz, please marry me." Yñigo proposed solemly.

"Oh my god! Yes. The answer is Yes!!"Mariz said and she started crying just as Yñigo put the ring on her finger. Then they were applause. SA likod ng exhibit may mga nakaupong bisita.

"Come on. Kanina pa sila naghihintay. This is our engagement night"

Nakita ni Mariz ang nanay niya kasama ang magulang ni Yñigo sa isang table. She cried harder.

"Have I told you lately that I love you??" she said in a wonder.

"Not yet."

"Well I do. I really do."



going out with YñigoWhere stories live. Discover now