Mga Tauhan Ng El Filibusterismo

38.3K 105 5
                                    

(c)

♥♥♥

Simoun – ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Basilio – ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.

Tandang Selo – ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Senyor Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb – ang mamamahayag sa pahayagan.

Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi – ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino – ang amain ni Isagani

Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila

Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Pepay – ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.

Camaroncocido – isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

Tiyo Kiko – matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Gertrude – mang-aawit sa palabas.

Paciano Gomez – kapatid ni Paulita.

Don Tiburcio – asawa ni Donya Victorina.

♥♥♥

(c)




El Fili ProjectWhere stories live. Discover now