Kabanata XXVIII: "Pagkatakot"

70.8K 110 7
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Pagkatakot

II. Kaisipan/Paliwanag: Hinuhuli at pinapatay ang mga inaakalang mga kasama sa kilusan laban sa pamahalaan.

III. Tauhan:
Quiroga - isang intsik
Simoun - mag-aalahas
Placido - isang mag-aaral

IV. Buod: Naging takot ang lahat ng magsimula ang himagsikan. Marami ang pinatay dahil pinagkamalang kasama sila sa kilusan at sa paskil. Nabilanggo na rin ang iba kasama si Basilio at Isagani. Sa bahay ni Placido nag-usap sina Simoun. Sa gabing iyon daw pupugutan ng ulo ang mga nabilanggo.

V. Pahiwatig: Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari.

VI. Aral: May mga pangyayaring maaaring pagtakpan kahit ng mga pahayagan.

VII. Reaksyon: Kahit ang mga walang sala ay napagkakamalan sapagkat ang pamahalaan ay ayaw matalo ng kilusang laban sakanila.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil nagpapakita ito ng mga tauhan na may katapangan

IX. Rekomendasyon? Ang pagiging matapang ay mahalaga ngunit maaring magdulot ng kasawian.

♥♥♥

(c)

El Fili ProjectWhere stories live. Discover now