Kabanata VI: "Si Basilio"

91.6K 180 18
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Si Basilio

II. Kaisipan/Paliwanag: Si Bailio ay lumuwas ng Maynila at doon ay nakapag-aral sya dahil kay Kap. Tiyago na pinagsilbihan niya.

III. Tagpuan: Maynila
      Tauhan:
Basilio - mag-aaral ng medisina; pinag-aral ni Kap. Tiyago; naging utusan ni Kap. Tiyago
Kap. Tiyago - nakatagpo kay Basilio

IV. Buod: Palihim na nagtungo si Basilio sa gubat at pinuntahan ang libing ng kanyang ina. Umalis sya ng gubat at lumuwas ng Maynila. Natagpuan sya ni Kap. Tiyago at sya ay nanilbihan doon upang makapag-aral. Minaliit sya dahil sa kanyang sira-sirang kasuotan ngunit kahit ganun ay nagsaulo pa rin sya ng kanyang leksyon. Nang siya ay magtapos ay mayroon syang medalya. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Nagusulit siya sa pagkabatsilyer at ipinagmalaki ng kanyang propesor. Kumuha sya ng medisina at siya'y naging masigasig na mag-aaral. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya.

V. Pahiwatig: Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta't marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.

VI. Aral: Ang lahat ng nagtitiis at nagtiyatiyaga ay nagtatagumpay.

VII. Reaksyon: Kahit na naghirap  si Basilio, nagtagumpay pa rin siya at hindi nabigong gawin ang mga bagay na akala niya'y hindi nya magagawa.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil ang pagiging matiyaga ni Basilio ang dapat tularan ng mga kabataan ngayon.

IX. Rekomendasyon? Dito inilawan ni Rizal ang patutunguhan ng isang tao kung ito'y naging masigasig.

♥♥♥

(c)



El Fili ProjectWhere stories live. Discover now