Kabanata XXXVI: "Mga Kapighatian ni Ben Zayb"

67.5K 106 2
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Mga Kapighatian ni Ben Zayb

II. Kaisipan/Paliwanag: Si Ben Zayb ay naghahatid ng balita na hindi naman ayon sa totoong pangyayari.

III. Tagpuan: Sa kumbento ni Padre Camorra
Tauhan: Ben Zayb - ang mamamahayag

IV. Buod: Nagtungo si Ben Zayb sa Pasig at natagpuan nya si Padre Camorra na sugatan. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Si Ben Zayb ay naghahatid ng balita na hindi naman totoo at iniiba ang kuwento. Ang tatlong tulisan naman ay inilahad ang itsura ng taong inanyayahan sumama sila. Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni't si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.

V. Pahiwatig: Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong panahong iyon.

VI. Aral: Ang pag-iiba ng kwento ng pangyayari ni Ben Zayb ay ipinapakitang marami ang kasinungalingang pinaniniwalaan ng karamihan.

VII. Reaksyon: Mali ang ginawa ni Ben Zayb sapagkat hindi niya inilalahad sa pahayagan ang totoong nangyari.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo dahil ang paglalahad ng mga ganitong pangyayari ay makakapagbigay aral sa mga nagbabasa.

IX. Rekomendasyon? Ang ibang kwento at balita ay hindi na totoo sapagkat napasalin salin ng kanikanilang bersyon ito.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon