Kabanata XXIV: "Mga Pangarap"

89.3K 150 6
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Mga Pangarap

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang pag-uusap ni Isagani at ni Paulita tungkol sa mga pangarap para sa sarili at para sa bayan.

III. Tagpuan: Sa Luneta
Tauhan:
Isagani - kasintahan ni Paulita
Paulita -  kasintahan ni Isagani
Donya Victorina - tiyahin ni Paulita

IV. Buod: Nagkita si Isagani at paulita sa Luneta upang mag-usap at magkaroon ng pagkakaunawaan. Napag-isip isip si Isagani tungkol sa hindi mabuting kalagayan ng kanyang bansa at ang mga dinaranas nito. Nangako sa sarili si Isagani na kanyang iaalay ang kanyang buhay sa bayan na kanyang tinubuan. Sinabi nya sa sarili na kung sya'y hindi magtatagumpay ay ikatutuwa pa rin nya na isa siya mga bayaning nagmahal sa kanilang kalayaan.

V. Pahiwatig: Ang pag-unlad na pinapangarap ni Isagani ay siyang pangarap ng may akda para sa kaniyang bayan.

VI. Aral: Mahalaga ang pagpapahalaga sa kahalagahan ng sariling bayang pinagmulan.

VII. Reaksyon: Hindi man pantay ang pagpapahalaga ni Isagani sa pagmamahal nya sa kasintahan nyang si Paulita at sa kanyang bayan ngunit mayroon syang pangarap para sa ikabubuti ng lahat at lalo na ng kanyang mga kababayan.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil mapapabuti ang pagpapahalaga sa sariling bansa.

IX. Rekomendasyon? Naiimpluwesyahan ni Rizal ang mga mambabasa upang mahalin ang sariling bansang pinagmulan gaya ng pagmamahal sa ibang bagay.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectWhere stories live. Discover now