Kabanata XXX: "Si Huli"

94.9K 177 24
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Si Huli

II. Kaisipan/Paliwanag: Si Huli ay humingi ng tulong kay Padre Camorra ngunit kasawian ang sinapit nya.

III. Tagpuan: Sa San Diego
Tauhan: Huli - kasintahan ni Basilio; naninilbihan kay Hermana Penchang
Hermana Penchang - madasaling babae
Padre Camorra -  ang mukhang artilyerong pari

IV. Buod: Mabilis na kumalat ang balitang nailibing na si Kapitan Tiyago at nadakip si Basilio. Nang makarating ang balita kay Huli ay naisip ng dalaga na sya ang dahilan ng pagkakadakip sa binata. Nakarating din sa kaalaman ng mga kaanak ni Basilio ang kaniyang sinapit at sila'y nag-ambagan upang mailigtas si Basilio. Si Huli nama'y humingi ng tulong sa Hukom Pamayapa ngunit ipinayo na kay Padre Camorra lumapit. Kahit ayaw ni Huli ay napilitang humingi ng tulong sa pari. Sinamahan sya ni Hermana Penchang patungo ng kumbento. Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.

V. Pahiwatig: Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan.

VI. Aral: Makapangyarihan ang pag-ibig.

VII. Reaksyon: Walang natitira sa mga kawawa kundi ang mamundok at manulisan.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil ang kawagasan ng pag-ibig ay ipinapakita dito.

IX. Rekomendasyon? Ang pananampalataya ni Huli ay naipakita sa nobelang ito.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon