Kabanata XXXI: "Ang Mataas na Kawani"

81.4K 143 12
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Ang Mataas na Kawani

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may ilan ding Kastilang ,ay may ugaling marangal.

III. Tauhan: Basilio - ang dinakip at nakakulong
Kawani - ang nagtatanggol kay Basilio

IV. Buod: Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.

V. Pahiwatig: Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang larawan ng katarungan sa ating bansa.

VI. Aral: Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.

VII. Reaksyon: Ang Kawani ay may ugaling marangal sapagkat alam niya kung ano ang tama at makakabuti.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil ang pagiging marangal ng ilan sa mga Kastila ay nagpapatunay na hindi lahat ay pare-pareho.

IX. Rekomendasyon? Si Rizal ay nagbibigay ng mga payo at aral sa kanyang nobela

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectМесто, где живут истории. Откройте их для себя