Kabanata XV: "Si Ginoong Pasta"

117K 209 11
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Si Ginoong Pasta

II. Kaisipan/Paliwanag: Pinakiusapan ni Isagani na makiisa at pumanig sakanila si G. Pasta

III. Tagpuan:
      Tauhan:
Ginoong Pasta - ang tagapayo ng mga prayle
Isagani -  makatang kasintahan ni Paulita
Don Custodio - ang Buena Tinta

IV. Buod: Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya't kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.

V. Pahiwatig: Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.

VI. Aral: Dapat isaisip na mahalaga ang bawat isa. Hindi magtatagumpay kung lagging makasarili.

VII. Reaksyon: Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, ipinakikita ang katangian, masama man o mabuti, ng mga Pilipino

IX. Rekomendasyon? Ang pagkakasalaysay ng paghingi ng tulong ng mga tao upang magtagumpay ay mabuti.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon