Kabanata III: "Mga Alamat"

101K 219 10
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Mga Alamat

II. Kaisipan/Paliwanag: Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang ilang alamat hanggang mapunta ang usapan sa pagtalon sa ilog ng isang Ibarra at binaril at hindi na muling nakita.

III. Tagpuan: Sa ibabaw ng kubyerta
      Tauhan:
Padre Florentino - ang amain ni Isagani
Padre Sybila - paring Dominiko
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
Padre Salvi - ang paring Franciscano
Simoun - ang mayamang mag-aalahas

IV. Buod: Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento ukol sa mga iba't ibang alamat – ang Malapad-na-Bato na tinitirhan ng espiritu bago pa dumating ang mga Kastila; ang tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahang nangakong siya'y pakakasalan ay nag-arsobispo; si Simoun at nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong sa isang kweba; ang pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang demonyong buwaya; ang huli'y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya'y binarilat nagkaroon ng kulay dugo ang lawa't hindi na siya muling nakita.


V.Pahiwatig: Maalamat ang ating bansa. Hindi lamang Pasig ang mayroon. Halos lahat ng bayan pati na ang pinagmulan ng mga bagay, halaman o tao.


VI. Aral: May mga bagay na pinaniniwalaang maaaring hindi totoo ngunit desisyon pa rin kung maniniwala o hindi.


VII. Reaksyon: Hindi lahat ng alamat ay maaaring paniwalaan dahil kung minsan ang ating pinaka pinaniniwalaan ay isa lamang pa lang kasinungalingan ngunit hindi rin nating pilitin ang ibang tao na maniwala sa ating pinaniniwalaan.


VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, ngunit sa kabanatang ito ay naipakita na maraming bagay ang pinaniniwalaan ang tao na maaaring hindi totoo. O kaya'y ang tao ay maraming pamahiin at paniniwala.


IX. Rekomendasyon:


♥♥♥

(c)






El Fili ProjectWhere stories live. Discover now