Kabanata I: "Sa Ibabaw ng Kubyerta"

104K 292 21
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Sa Ibabaw ng Kubyerta

II. Kaisipan/Paliwanag: Nasa Bapor Tabo ang mga tauhan at pinag uusapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Sila ay nagbibigay ng kani-kanilang mungkahi at pahayag tungkol dito ngunit nagkaroon ng ilang sagutan.

III. Tagpuan: Sa Bapor Tabo na sumasalunga sa ilog Pasig
      Tauhan:
Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan
P. Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
P. Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
Donya Victorina - tiyahin ni Paulita
Simoun - kilalang tagapayo ng Kap. Heneral

IV. Buod:
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.

V. Pahiwatig: Ang bapor Tabo'y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi'y mahina ang pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa. Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at mababang uri ng tao.

VI. Aral: Marami pa ang dapat pagplanuhan upang maisulong ang kaunlaran ng isang bansa.

VII. Reaksyon: Naihalintulad ang bapor Tabo sa pamahalaan sa kabanatang ito. Ipinapahiwatig na mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil sa namamahala rito.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil mayroong mga bagay na ating malalaman dahil sa mga paghahalintulad ng may akda sa nobela. May mga aral na mapupulot na maaring maidagdag sa kaalaman ng isang Pinoy tungkol sa kanyang bansa at mga namahala rito.


IX. Rekomendasyon: Ipinakita ni Rizal sa El Filibusterismo Kabanata I ang kalagayan ng bansa.


♥♥♥


(c)






El Fili ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon