Kabanata XI: "Los Banos"

103K 233 17
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Los Banos

II. Kaisipan/Paliwanag: Nakikipag-usap si Simoun sa mga pari at nagpaplano ng pagpapatayo ng Akademya

III. Tagpuan: Los Banos
      Tauhan:
Padre Sibyla - paring Dominiko
Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari
Don Custodio - kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Fernandez - Dominikong pari
Simoun - mag-aalahas

IV. Buod: Ang kapitan-heneral at mga padre ay naglalaro ng tresilyo. Nagpapatalo ang mga padre sapagkat gusto nilang makipag-usap dito tungkol sa paaralang gustong ipatayo ng mga kabataan, ngunit sabi ng Heneral na sa susunod na raw pag-usapan iyon. Nainis si Padre Camorra sa pagpapatalo ng mga padre, at umalis. Si Simoun ang pumalit. Nagbiro na itaya nya raw ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun, kapalit ng pagpapangako ng mga padre na bitawan ang kabaitan ng loob at maging marahas sa mga indyo at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas. Nang itanong siya kung anong mapapala niya rito, sagot niya'y lilinis daw ang bayan. Matapos ay pinag-usapan na ang tungkol sa paaralan; pinaglaban ito ni Don Custodio ngunit ang iba'y tutol, sapagkat baka raw isa itong paraan ng paghihimagsik, dapat daw ay hindi humigit ang mga paaralan sa Pilipinas, at iba pa. Nagtalo sila rito ngunit ang pagtutol ni Simoun ang maaaring pinakamalaking balakid ng mga kabataan. Pinalaya ng heneral si Kabesang Tales.

V. Pahiwatig: Ang pamahalaan ay abuso at sakim sa kapangyarihan at sila mismo ang tumututol na matuto ang mga tao. Kinakatakutan at pinipigil nila ang pag-usad at pagbabago dahil ayaw nila mawalan ng kapangyarihan sa mga Pilipino.

VI. Aral: Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay kaugalian nating mga Pilipino.

VII. Reaksyon: Si Simou ay matalino sapagkat ang kanyang mga plano ay hindi lang para maghiganti ngunit para din sa kabutihan ng ibang tao

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, sapagkat ang paglalarawan ng mga madalas na katangian ng Pilipino ay makikita sa nobelang ito

IX. Rekomendasyon? Ang paghihiganti ni Simoun ay hindi lang para sa kanyang mga kaaway kundi kasama dito ang makakabuti para sa kanyang bayan.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectWhere stories live. Discover now