Kabanata XXI: "Mga Anyo ng Taga-Maynila"

98.1K 175 9
                                    

(c)

♥♥♥

I. Pamagat: Mga Anyo ng Taga-Maynila

II. Kaisipan/Paliwanag: Nasa labas ng teatro si Camarroncocido at ang kaibigang si Tiyo Kiko at nagdididkit sila ng paskil. Naroon ang iba pa kasama ang mga mag-aaral na inanyayahan sumama si Tadeo na manood ng palabas.

III. Tagpuan: Sa Teatro de Variendades
Tauhan:
Camarroncocido - isang Kastila na nagdidikit ng paskil sa dulaan
Tiyo Kiko - isang kayumangging nagdidikit ng paskil sa dulaan
Simoun - isa sa nanood ng palabas; mag aalahas
Tadeo - isang mag-aaral

IV. Buod: Naubos agad ang tiket sa isang palabras sa teatro kung saan nagpapaskil doon sina Camarroncocido at kaibigang niyang si Tiyo Kiko. Naroon din si Tadeo na nanloloko ng mga kababayang tanga sa kanyang mga kahanga hangang kasinungalingan. Nakita ni Tadeo ang kapwa mag-aaral na sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani. Inanyayahan sya ng mga ito na manood ng palabas at sya ay sumama.

V. Pahiwatig: Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.

VI. Aral: Mabuti na pahalagahan ang sarili ngunit mas mabuti na pahalagahan din ang iba kasama na ang sariling bayan.

VII. Reaksyon: Marami sa ating mga kababayan ang agad naniniwala kaya ay mabilis tayong maloko ng mapanlinlang.

VIII. Mabuti ba ang nobela? Bakit? Oo, dahil naipapakita ang karaniwang gawi at ugali ng mga Pilipino

IX. Rekomendasyon? Ang pagsasalaysay ng ugaling Pilipino upang mas malaman mabuti o masama ito.

♥♥♥

(c)


El Fili ProjectWhere stories live. Discover now