Chapter 5: Battle of the bassist!

8.8K 119 21
                                    

 Dedicated to you: NNR palang nakikita na kita sa comment box ko Well thank naman na hanggan dito patuloy ka parin sa pag suporta. Sana nga for real nalang talaga sila dahil bagay sila wahhh kinikilig tuloy ako hahahaha!

---------------------------------------

Tomi 

Hinatak ako ni Tita sa isang kwarto dito sa resort nya dinala kasi ni Troper yung twins kasama ni Mina  kapag naalala kung nakita ko kanina medyo naiinis ako dahil may kasama akong dalawang bata tapos ganun makikita nila tinakpan ko pa tuloy yung mga mata nila. 

lintek kasi si Troper manyakis lang ang peg. tsss!

"Hay nako nakakainis talaga yung paniking yun! tingnan mo kung anong ginagawa nila kanina tanghaling tapat tapos ganun yung makikita ng mga tao dito! arghhh nakakainis!" kinamot ni Tita yung tenga nya 

manang manang talaga si Troper sa mama nya pati kapag naiinis ganyan si Troper kinakamot yung tenga hanggang sa mamula.

"Tita hayaan nyo na sila."  umupo sya sa kama saka parang bata na naka pout 

"Tomi anong gagawin ko ayaw ko na mapunta sa babaeng yun ang TJ ko! huhuhu!" Kahit para syang bata naintindihan ko sya dahil future ng anak nya ang inaalala nya 

"Mag boyfriend-girlfriend palang naman sila hindi pa sila mag papakasal." 

"At hindi ako papayag na mag pasakal sila! over my dead gorgeous body! huhuhu!" 

"Kapag na realize ni Troper na hindi naman worht it si Mina hihiwalayan nya din yun." may pag ka chick boy kasi yun si Troper kaya alam ko di rin sila mag tatagal 

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Tomi,  My TJ is serious with that girl! bukod kasi sayo yang babaeng yan lang ang pinakilala nya kaya  sigurado ako na seryoso sya sinabi nya din na kakalimutan ka na nya at seryoso na sya this time." 

natigilan ako sa sinabi ni Tita si Troper seryoso na kay Mina at kakalimutan na ako? ano bang kalokohan yun or talagang nabubulagan lang si Tita dahil gusto nya ako para sa anak nya saka si Troper? seryoso? IMPOSIBLE! 

"Tita baka naman nag jo-joke nalang si Troper.." 

"Hindi! kilala ko ang TJ ko seryoso sya this time.." medyo sumeryoso si Tita pero di ko pa rin alam kung maniniwala ako.. 

"Pero Tita kung seryoso nga si Troper ibig sabihin nun mahal nya nga si Mina.." hindi ko alam kung bakit ayaw ko ng idea na mahal ni Troper ang babaeng yun siguro nasanay lang ako na ako lagi yung binubwisit nya saka kasi lahat ng tao sinasabi na patay na patay daw si Troper sa akin pero ang totoo binubwisit nya lang ako 

"Ang totoo nyan ginagwa nya yun para makalimutan ka dahil hindi mo naman sya gusto alam mo ikaw ang  hindi nagawang kalimutan ng anak ko, naalala ko pa nung unang syang ipatapon ng Daddy nya sa Japan kasi matigas ang ulo muntik pang maka buntis kahit na high school hay nako gagalit na galit sya nun kasi  of all places bakit sa Japan pa hindi sya marunong mag japanese at wala syang alam sa lugar na yun pero ng bumalik sya after 3 months nya dun ibang iba na sya dahil palagi syang nakangiti at nalaman ko nga na ikaw ang dahilan."

hindi ko alam pero seryoso si Tita habang nag sasalita at hindi ko maintindihan yung sarili ko kasi naniniwala ako..

bigla ko din naalala yung una kong nakita si Troper sa Japan nilapitan nya ako at tinanong ang pangalan ko  at gusto nya daw akong maging girlfriend hindi ako sumagot kaya akala nya hindi ako marunong mag english pina translate nya pa dun sa kasama nya na isa sa mga classmate ko sa martial arts school nila Haru pero nag salita ako ng Hapon at sinabi ko sa lalaki na wag sasabihin na marunong akong mag english kaya nanahimik lang sya at ginawa ang sinabi ko 

My dream girl is a BASSISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon