Chapter 14: Pag ibig na kaya

7.2K 91 16
                                    

Tomi 

Naiinis ako sa sarili ko kasi nag padala ako sa inis ko kay Mina ng makita ko sya kanina sa entrance ng coffee shop nakaisip ako ng kapilyahan gusto ko kasing makitang umusok yung ilong nya sa galit kaya walang sabi sabing hinalikan ko si Troper sa harap nya edi nagalit ang plastic hahahah

pero nung palalimin ni Troper yung halik bigla rin na blangko yung utak ko nawala sa plano yung mga galaw ko parang ang importante lang ay ang halik na pinag sasaluhan namin nag unggoy ngunit ubod ng gwapo na si Troper OO gwapo sya sobra.. pero never kong sasabihin yun sa harap nya..

laking tuwa din ng puso ko nun nung nakita ko umuusok sa galit ang pag mumukha ni Mina buti nga di nasunog plastic kasi diba ang hindi ko napag handaan yung pag wawala nya di ko naman alam na ganun pala sya kapag nagalit palibhasa nag babait baitan lang kaya nung ginalit ayun lumabas ang tunay na ugali.. 

buti nalang ako yung pinili ni Troper hindi ko man aminin pero masaya ako kasi ako yung pinili nya una sa lahat hindi ako napahiya pangalawa mailalayo ko na sya kay Mina pangatlo magiging akin na ang labi nya.. 

landi ko! pero sarap naman kasi humalik eh kahit na lagi akong naiinis sa kanya kapag halik na nya ang pinag usapan natatahimik talaga ako.. 

"Baby, ayoko pang pakawalan ka pero kapag hindi pa tayo tumigil hindi na ako makakapasok sa office.." bulong nya habang mag kadikit ang mga noo namin nasa kandungan nya parin ako habang yakap yakap nya ako.. 

"Wag mo nga akong tawagin baby! ang baduy!" Baby kasi ang tawag nya kay MIna nakakirita lang feeling ko si Mina pa rin yung tinatwag nya.. 

"Anong gusto mong itawag ko sayo hmmm.." he kissed my nose  my lips my eyes my whole face he seems so addicted to kiss me.. sabik na sabik.. parang matagal na pinigil na ngayon lang lumabas.. 

"Ewan ko.." wala akong maisip lalo na kung ganito kami ka lapit sa isat isa hindi ako makapag function ng maayos na kakabaliw.. 

"I'll call you pare.." lumayo ako sa kanya at itinukod ang dalawang kamay sa dibdib nya saka sumimangot 

"Ano ako tomboy?  ayoko nun!"  tumawa sya saka ako ulit hinila at niyakap ng mahigpit eto na naman mag kalapit na naman ang mga mukha namin konti nalang mag lalapat na naman ang mga labi namin..

"Anong bang gusto mong itawag ko sayo?" 

"Tomi.." wala na akong masabi ng halikan nya ulit ako pumikit lang ako at tumugon sa halik nya habang mahigpit nya akong yakap..

"Dammit!"  mura ni Troper kasi biglang may tumawag sa phone nya siguro hinahanap na sya sa office nila pasaway kasi dapat kanina pa sya nandoon boss nga sya pero dapat di sya na lelate diba. pero kasalanan ko din naman ayaw ko pang umalis sa kandungan nya ang sarap kasi ng ganito lang kami.. 

"Pumunta kana sa office babalikan ko pa sila Rina.." bigla ko kasi silang nakalimutan  etong lalaki sa harap nakakwala ng katinuan.. 

"Hatid na kita para sure na dun ka pupunta." 

"Saan naman ako pupunta aber?" 

"Malay mo kay Alvin ka pumunta mapatay ko pa yun." 

"Adik mo talaga! tara na nga!" kahit ayoko umalis na ako sa yakap nya at bumalik sa front seat pero nag taka ako kasi hindi pa rin nya pinapaandar ano kayang problema ni Troper 

"Troper?" nakatingin lang sya sa labas na parang nag iisip ng kung ano medyo kinabahan ako paano kung nag bago na ang isip nya paano kung si Mina na pala ang pinipili nya hindi pwede! gagawa ako ng paraan para mag kalayo sila walang kwentang babae si Mina! 

"Hindi naman panaginip to diba?" bigla syang tumingin sa mga mata ko nakaramdam ko  kilabot dahil sa paraan ng pag tigtig nya punong puno ng pag susumamo.. 

"Totoo lahat to.." hinawakn ko yung kamay nya para iparamdam sa kanya na totoo lahat ng ito.. 

"Totoo ka nga.." bigla syang ngumiti kaya napangiti na rin ako para kaming mga baliw pero naiintindihan ko sya kung bakit iniisip nyang panaginip lang ito sa umpisa palang hindi na kami mag ka sundo kaya mahirap tanggapin na mag kasama na kami na parang hindi kami asot pusa kung mag bangayan noon, mahirap man tanggapin pero inaamin ko sa sarili ko na hindi ko na rin alam kung anong pinag gagagawa ko at hindi na mapipigilan kung ano man ang mga nangyayari sa amin ngayon.. 

hinatid nya ako sa lugar kung nasan sila Rina pero hindi ko na sya pinalabas ako nalang muna ang kakausap sa mga kaibigan ko para hindi sila mabigla may pasok din kasi si Troper late na late na sya 

"Bye bye!" aalis na sana ako pero hinawakan ni Troper yung braso ko kaya wala akong nagawa kundi ang humarap sa kanya nakataas ang kilay nya ako naman naka pout lang hindi ko kasi alam kung paano mag paalam sa kanya

"Ganun lang yun? Asan ang kiss ko ni hindi ka man lang nag pasalamat!" nag peace sign ako nakakakatawa kasi yung mukha nya pogi pogi lang sarap sabunutan 

"Thank you!" aalis na ulit sana ako pero hinila nya ulit yung braso ko 

"Asan yung kiss?" 

"Ang dami mo naman demand! next time hindi na ako sayo mag papahatid!"

"Kanino ka mag papahatid?" sumimangot sya kaya nakaisip ako ng KAPILYAHAN.. 

"Kay Alvin.." ngumiti ako bigla naman nag dilim yung mukha nya 

"Don't you dare!" bigla syang natigilan ng dampian ko ng halik yung mga labi nya 

"Thank you sa pag hatid, ingat sa pag da dirive captain Troper." sumaludo pa ako sa kanya saka lumabas ng kotse nya na hindi mawala yung ngiti sa mga labi ko hindi ko mapigilan kinikilig ako ang hirap ma explain nung nararamdaman ko  unang araw palang namin na mag kasundo ganito na kasaya paano kaya kapag nag tagal na baka mamatay ako sa sobrang ligaya! 

pag pasok ko sa loob nakita ko sila Rina at Mami ang nag lalaban umuusok na din ang ilong ni Rina dahil matatalo na naman sya kay Mami 

"Kamusta nakausap mo si Troper?" tanong ni Haru pero di ko pinansin umupo lang ako sa tabi nya hindi pa rin kasi nawawala yung kilig ko 

"Nasa cloud nine ang hinayupak!" asar ni Mami kaya nag tawanan sila pero hindi ko pa rin pinansin grabe parang walang pwedeng makasira ng mood mo masyado akong masaya.. 

"I think someone is inlove." Rina said 

"Sino?" tanong ko na curious kasi ako nag katinginan lang silang tatlo saka sumigaw 

"IKAW!!!"

Ako? inlove?! parang di naman! masaya OO pero inlove? HINDI!

 ^_______^

------------------------------------

 Weh??! Di nga hahahah nakakakilig ang ver ni bugoy at leizel! wala talagang kupas ang kilig ng princess hours! hahahaha XDDD

 Kayo ano bang gusto nyong itawag sakanila? hahahaha

Tumakas na naman ako para mag UD di ko ma tiis eh  bilis diba! XDD

Thanks sa votes and comments <3

My dream girl is a BASSISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon