Chapter 15: Mas masarap kaysa sa takoyaki

7.4K 100 9
                                    

Troper 

Maaga akong pumasok excited kasi akong makita si Tomi sya nalang kasi lagi naiisip ko nakakabaliw kasi alam ko na hindi na healthy pero anong magagawa ko hindi sya maalis sa isip ko sya lang lagi ang gumugulo sa utak ko kung pwede ko lang  pigilan edi sana matagal na diba,

May nag sabi sa akin dati na hindi daw natin mapipigil kung anong papasok sa isip natin pero pwede natin kontrolin kung hanggang saan lang natin sila pwedeng i-entertain sa utak natin pero sa case ko masyadong overwhelming yung mga nangyari kaya hindi ko talaga ma control sa isip ko.. 

Akala ko talaga hindi sya papayag sa deal ko buti nalang talaga wala syang topak ng araw na yun kundi baka para na namn kaming si Tom and Jerry..  

Alam ko na!

Agad akong tumakbo papuntang studio para hanapin si Tomi partida hindi pa ako nag papakita sa daddy ko ganito ako ka excited makita si Tomi para sabihin yung naisip ko. 

Pag bukas ng pinto sa sala ng studio nandun yung ibang staff kaya agad silang naging alisto at nag good morning sa akin

"Good morning sir Troper." 

"Good morning, Nasaan sila Tomi?" tanong ko na medyo kinagulat nila kasi hindi sila sanay na hinahanap ko si Tomi minsan nga mas ayaw ko pa syang makita pero dati yun nung asot pusa pa kami kapag nag kikita.. 

"Nasa loob po ng studio nag papractice puntahan nyo nalang po sir." sabi nung isa kaya agad akong pumunta sa studio pag bukas ko ng pinto nandun nga sila nag papractice kaya hindi nila ako napansin umupo nalang muna ako sa sofa sa gilid ko para panuorin sila.. 

napakagaling na nilang tumugtug naalala ko pa dati nung nasa Japan pa kami medyo makalat pa sila sa tugtug nila halatang nag uumpisa palang pero ngayon napakasarap na sa tenga.. napangiti ako ng tumingin ako kay Tomi she's so serious pero makulit parin, sya ang nag bibigay ng kulay sa banda kapag masyado nang seryoso or minsan nag kakainitan dahil sa practice sya yung neutral sya na nag papa balance para maging maganda yung takbo ng banda.. 

"Good Job! Girls!" sigaw ni Mamu saka pumapalakpak ganun din  yung mga mentor nila na nandito din sa loob ng studio malaki kasi ito kaya hindi kami siksikan ni hindi nga nila ako napansin diba masyado kasing busy ang lahat ako lang ata yung hindi naturingang Vice president ako ng kumpanyang ito. 

"Sir Troper, Nandyan pala kayo, good morning." sabi nung mentor ni Rina sa Drums saka sila lahat napatingin sa akin pero kay Tomi lang ako nakatingin nakita ko pa syang nagulat at kumunoot pa yung noo nya cute lang hehehe

"Good moning, napanuod ko nga lahat magaling." simple kong sabi para naman hindi mag mukhang katawatawa boss ako kaya kailangan pormal ako 

"Break muna tayo kanina pa nag papractice maayos na naman lahat." sabi ni Mamu saka nag hiyawan ang lahat at nag isa isang lumabas ng studio hinila ko si Tomi para paunahin lahat sa pag labas nakatingin lang sila Haru sa amin na parang may alam sila sa kung anong meron sa amin ni Tomi. 

"Troper, Bakit?" tanong nya habang hawak hawak ko pa rin yung braso nya kami nalang yung tao dito sa loob ng studio ni lock ko yung pinto  walang makakita sa amin dahil puro simento  ang pader dito kaya hinapit ko sya sa bewang at agad binigyan ng halik sa labi naramdaman ko naman ng tumugon sya pero sandali lang at lumayo sa akin 

"Good morning, Na miss kita agad eh.." nakita ko pang ngumiti sya shit lang ngiti palang buo na araw ko 

"Good morning din, gulat ako aga mo dito teka wag mong sabihin na dito ka agad dumiretso?!" ngumiti ako kasi guilty ako 

"Ehh kasi na miss nga kita agad anong magagawa ko."  binatukan nya ako habang hawak ko pa rin sya sa bewang

"Napaka mo talaga boss ka kaya dapat ikaw ang nag papakita ng pagiging professional dito pumunta kana sa office mo!" utos nya pero sumimangot lang ako 

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now