Chapter 27: I miss you

3.5K 134 36
                                    

Troper

Isang linggo na akong walang pahinga dahil sa bagong deal na ginagawa ko para sa bagong project namin para mas lumawak pa ang kumapanya. Isang linggo na rin kaming hindi nag kikita ni Tomi. Miss na miss ko na sya pero wala akong magawa dahil busy din sya sa gigs at recording ng bagong album nila malapit na rin yung concert nila sa moa.

Nag aayos ako ng gamit ng may kumatok sa pinto ko ng dalawang beses bago bumukas. It’s my dad.

“Son. How’s the deal?” tanong nya.  Ako ang punong abala sa deal na sinasabi nya. Nag bakasyon kasi sila ni mommy para makapag pahinga.

“Malapit ko ng ma-close yung deal dad.”

“That’s my boy.” Ngumiti sya. Masaya ako kasi proud sa akin ang ama ko. Napunta sa telepono ang atensyon ko ng tumunog yun. Lalabas na rin sana si Dad ng mag salita ako.

“I saw Maria.” Saad ko. Natahimik sya at napatingin sa akin ng seryoso.

 

Tomi

Ibinagsak ako ang katawan ko sa malambot na sofa  sa loob ng recording studio. Pagod na pagod ako. isang liggo na kaming halos walang pahiga dahil sa sunod sunod na gigs pati na rin ang recording at sa nalalapit na concert namin sa moa. Isang linggo na rin kaming hindi nag kikita ng cheesecake ko. Miss na miss ko na sya.

“Napapagod na ako.” Sabi ni Mami saka umupo sa tabi ko. Alam kong na miss na rin nya si Calvin dahil isang linggo na rin silang hindi nag kikita. Ang hirap pala ng ganito. Yun bang may gusto kang makita pero hindi mo magawa dahil nga marami kang ginagawa. Kahit marinig mo lang yung boses ng taong gusto masaya kana.

“Gosh! I miss Eddie and my kids!” Maktol ni Haru. Saka umupo sa tabi ni Mami. Mukhang pare-pareho lang talaga kami ng nararamdaman. Napatingin ako kay Rina habang nakatutuk sya sa laptop nya. Wala syang boyfriend kaya alam ko na wala lang sa kanya kung ano pang pag mamaktol namin tatlo dito.

Buti pa si Rina walang inaalala.

“Dears! Let’s go na may show pa kayo ngayon. Tayo na dyan.” Pinag hihila kami ni Mamu sa upuan isa isa para tumayo at lumabas ng studio. Umaga ang recording namin para talagang lumabas ang mga boses namin. Tumayo na kaming tatlo habang si Rina naman pinatay yung laptop nya at naunang lumabas para sumakay sa Van.

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now