Chapter 13: Deal

8.7K 118 19
                                    

Troper 

Ang lamig lamig ng panahon ngayon parang wala nga akong balak bumangon pero alam ko na kailangan kong kumilos madami akong gagawin sa office at bigla rin pumasok sa isip ko si Tomi kamusta na kaya sya? 

pag katapos kasi namin marinig yung sinabi ni mama na ipapakasal nya kami agad din tumawag ito sa parents ni Tomi kaya wala na kaming nagawa ni Tomi si mama kasi yung tipo ng taong mahirap baguhin yung isip lalo na kung yung isang bagay pabor sa kanya. 

"TJ! baby ko!  bumaba kana dyan handa na tong pag kain mo!" sigaw ni mama sa baba kaya nag ayus na ako ng sarili pag baba ko nag hihintay sila ni dad sa dining table si dad may hawak na news paper si mama naman nag hahanda ng pag kain kasama si yaya pearls 

"Hijo, Kumain kana." sabi ni Yaya pearls 

"Sige po, Ya. Thank you." sabi ko saka umupo 

"Good morning ma, Good morning dad." bati ko sa parents ko si mama lang ang bumati sa akin pero si dad tahimik lang kaya hinayaan ko nalang parang badtrip ata ewan ko 

"I heard na pinakialaman mo daw si Tomi?" seryoso yung tanong ni Dad kaya napahinto ako sa pag kain kapag ganito yung boses ng daddy ko alam ko kailan kong sumagot ng maayos kung ayaw kong mag paalam sa mundo. 

"Dad, Kasi ano po-" 

"Yes or No lang ang sagot Troper," he called me by my first name i'm so dead!

"Yes." saka ako yumuko para akong bata pero takot ako sa tatay ko masyado syang authoritative na kapag galit na sya kailangan mo talagang sumunod sa kanya..

"Hindi ka pa ba nadala nung highschool ka? gusto mo ba talagang ipatapon kita sa malayong lugar?" seryoso pa rin si Dad pero di naman sya nasigaw kaya lang mas nakakatakot kasi kapag ganun sya ibig sabihin mas galit sya. 

"Honey, Your son will marry Tomi so don't be angry, Okay?" Sinalo ako ni mama sya lang kasi ang nakakawala ng galit ni Dad buti nalang nandito sya 

Bigla tuloy pumasok sa isip ko nung highschool ako muntik na akong mapikot sabi kasi nung babae na naging girlfriend ko ako daw ang ama ng anak nya tapos sumugod pa dito sa bahay kaya galit na galit si Dad nun kasi kung ano ano daw pinag gagawa ko sa buhay ko  kung sino sino daw babae ang pinatatulan ko kaya pinatapon nya ako sa Japan para daw mag tino ako tapos after 3 months tumawag si mama na pinapabalik na daw ako ni Dad sa pilipinas kasi napatunayan na hindi ako ang ama nung pinag bubuntis nung babaeng sumugod dito sa bahay. 

simula noon nangako na ako sa sarili ko na mag iingat ako sa mga babaeng papakialaman ko. 

"Mabait na bata si Tomi at maraming pangarap sa buhay kaya siguruhin mo lang na hindi mo lolokohin dahil kahit anak kita kapag sinaktan mo ang isang babae ako mismo ang mag aalis sayo sa kung anong buhay meron ka ngayon na iintindihan mo?" purong tagalog yung sinabi ni Dad kaya kinilabutan ako kasi alam ko na tototohanin nya yun pambihira ako yung anak pero parang ako yung kawawa dito. 

"Yes, Dad. Don't worry I won't do anything stupid." 

"Good." Tipid nyang sabi saka nag basa ulit ng news paper ako naman kumain na medyo nawalan ako ng gana kaya tumayo na ako para mag paalam 

"Alis na po ako."  tumayo si mama para halikan ako sa pisngi kaya yumuko ako matangkad kasi ako masyado 

"Ingat anak." 

"Yes, Mom. Dad alis na ako." 

"Take care, Son."  

umalis na ako para kahit paano maiba naman yung mood masyado kasing seryoso yung usapan namin ng taytay ko pag labas ko palang ng bahay biglang humangin ng malakas buti nalang naka suit ako kaya hindi ko masyadong maramdaman yung lamig sa katawan. 

My dream girl is a BASSISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon