Chapter 32: Dito sa puso ko

4.6K 140 114
                                    

Tomi

Isang taon…Isang taon na simula ng mag bago ang buhay ko. Isang taon na ang lumipas ng mawala sya sa akin. Ang akala ko panaginip lang ang lahat at magigising din ako, pero hindi, hindi ako nagising at hanggang ngayon nasa isang panaginip parin ako kung saan wala sya. Nag mulat ako ng mata. Isang umaga na naman ang dapat kong harapin ng mag isa. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanan ang ganitong buhay. Pakiramdam ko, Humihinga ako pero wala akong buhay.  I feel lost and I don’t know where to go. Sana kahit isang araw lang makasama ko sya. Kahit isang saglit lang makita ko sya. I miss him everyday single day.

Cheesecake...parang awa mo na, bumalik kana sa akin.  

Muli akong pumikit kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.  Araw-araw hiniling ko sa diyos na ibalik nya sa akin si Troper, pero araw-araw din akong nabibigo dahil kahit anong pag susumamo ko sa diyos, alam ko, hindi na nya ibabalik sa akin ang lalaking mahal ko.

Cheesecake, Bigyan mo ako ng lakas para hindi bumigay, kasi hirap na hirap na ako, Gustong-gusto na kitang makasama..

Para akong tanga, dahil alam kong hindi naman nya naririnig ang isip ko, pero nag ba-bakasakali pa rin ako na kahit sa ganitong paraan, maramdaman ko na buhay pa rin sya at nasa malayong lugar lang.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog yun. Saglit kong pinunasan ang mga hula bago sagutin ang tawag.

“Hello?” Bungad ko.

“Good morning, I’m just checking if you’re still sleeping pero gising ka na pala. Don’t forget our date.” Malambing na bungad ni Trent sa akin. Saglit akong hindi nakapag salita.

“Trent, Hindi ko naman nakalimutan. See you later…” Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Ayaw kong mag alala pa sya sa akin.

“Okay. Ayoko pa sanang putulin ang usapan natin pero kailangan na. Basta mamaya huh. I love you.” Wika nya.

“Okay, Mamaya. Thank you.” Sagot ko.

“Tomi, I can wait…bye.” Wika nya saka binaba ang phone. Mabigat ang loob ko pag katapos ng tawag. Muli akong humiga sa kama.

Simula ng mawala si Troper hindi ko na alam kung paano ulit mag umpisa. Lahat nag back to zero. Napabayaan ko ang trabaho ko. Kung hindi dahil sa bandmates ko baka tuluyan na akong hindi nakatugutug ng bass, dahil sa tuwing pinipilit kong tumugtog, si Troper ang naaalala ko. He always says that I’m beautiful every time I play bass. Dumating sa punto na ayokong pumunta ng studio dahil lagi ko rin naalalala na palagi syang napunta doon. For two months, I always cried. I can’t believe that he‘s gone. Kahit kailan hindi ko naisip na iiwan nya ako at sasaktan nya ako ng ganito.

Tapos dumating si Trent. Ipinakita nya sa akin na kahit gaano kasakit ang mga nangyayari sa buhay ay kailan parin maging matatag, kahit na wala na akong taong mahal natin.  Isang taon akong sinamahan ni Trent para maging maayos ulit ako. Lagi syang nandyan kapag kailan ko ng kausap. Kapag lasing ako lagi sya ang kasama ko. Tiga buhat sa akin kapag hindi na ako makalakad. Tiga linis ng suka ko kapag sobra na ako ng nainom na alak, higit sa lahat, sya ang tiga punas ng luha ko kapag hindi ko na kaya ang sakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now