Chapter 18: Umayos ka ng sagot!

7K 130 41
                                    

Tomi

Kakagising ko lang pag tingin ko sa side clock ko  8am palang ng umaga naalala ko na wala naman pala kaming gagawin ngayon  medyo nasanay akong gumising ng maaga nitong mga nakaraan arw sa dami ng ginawa namin tours and practice..

pag bangon ko nakita kong tulog pa si Rina napangiti ako kasi ang gulo ng kama nya malikot kasi matulog yan tulog mantika pa siguro kung makikita ng mga fans namin kkung paano sya matulog baka ma turn off sa kanya pero hindi rin baka lalo pang ma inlove sa kanya ang mga fans naman kasi kahit anong flaws para sa kanila maganda pa rin sa paningin.

Inayos ko yung kumot ni Rina saka ako bumaba para mag handa ng pag kain  pritong itlog at hot dog lang yung niluto ko hindi kasi ako ganun kagaling pag dating sa kusina hindi pa ata ako dapat mag asawa kasi kung mag aasawa ako kailangan matutunan ko na to diba?

Pero pwede rin naman na kumuha nalang ng maid diba papahirapan ko pa sarili ko!

Pag katapos kong mag luto tinawag ko na si Rina nung una ayaw pa bumaba pero nung tumili ako sa tenga nya ayun nagising din at sumabay na sa akin pababa para kumain

“Ang aga mo naman gumising ngayon , wala naman tayong gagawin diba?” Tanong ni Rina habang kain ng kain  dalawa nalang kasi kami dito sa bahay diba

“Bigla kasi akong nagising, ilang araw ba naman tayong mapuyat at ma pressure, parang hindi lang ako sanay na walang ginagawa.”

“Sabagay ako din. Hindi pa nawawala sa isip ko yung tours kahit tapos na.”

“Gusto mo gala nalang tayo?” tanong ko tutal wala naman talaga kaming gagawin isang linggo yung pahinga namin ngayon

“Pwede rin. Tayong lang ba?”

Nag isip ako kung sinong pwedeng yayain for sure si Haru at Mami busy  yun sinong pwede kasama sa pag gagala?

Biglang tumunog yung phone ko pag tingin ko unknown number sino kaya to?

“Hello?”  napakunoot yung noo ko

“Tomi! Si Ana to kamusta na? anong balita?!” napangiti ako tumaas naman yung kilay ni Rina kaya nag mouthing word ako na sabi ko : Si Ana nasa line! Agad naman lumaki yung mata ni Rina kilala nya rin kasi si Ana classmate namin sya ni Rina sa stats nung college and it was 2 years ago.

“Ganun parin naman, Ikaw, kamusta?”  ang alam ko pumunta sya ng ibang bansa nandun kasi ang family nya nung college kami mahilig syang sumama sa mga gigs namin pero nung umalis na sya wala na kaming masyadong balita

“Eto, nandito ako ngayon sa Philippines! Kita kita naman tayo! Miss ko na kayo, balita ko sikat na sikat na daw kayo ngayon huh! Grabe, mga celebrity na talaga kayo, Kakatuwa naman.”  Natawa ako sa sinabi nya si Rina naman naka masid lang habang kumakain 2 years ago kilala na ang banda namin pero ngayon sikat na sikat na talaga kami..

“Tamang tama! Nag hahanap kami ng gala ni Rina, wala kasi kaming gig ngayon pahinga namin, ano saan tayo mag kikita?” tanong ko agad kaya sinabi nya kung saan kami mag kikita nag usap pa kami at nag kamustahan saka ko binaba yung phone.

“Anong sabi?” tanong ni Rina

“ Ayun nag yaya ang gaga. Gala daw.”

“Tara!” excited na sabi ni Rina kumain ulit kami saka nag ayos at umalis ng bahay kausap ko ulit si Ana sa phone  hindi kasi ako familiar sa lugar na sinabi nya kaya nag paturo ako kung paano kami makakrating dun ni Rina

“Tomi! Dahan dahan naman, grabe ka talaga mag patakbo! Gear 4? Seriously?!”  tawa lang ako ng tawa kay Rina habang  galit na galit sya at namumula sa takot  hindi ako sanay mag patakbo ng mabagal! Ano? Pagong? Paano kami makakapunta ng mabilis kung babagalan ko sayang naman yung bilis nung sasakyan ko diba buti sana kung  jeep tong minamaneho ko pero hindi eh kaya sorry nalang si Rina hahaha!

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now