Chapter 31: Mag isa nalang ako

2.6K 94 29
                                    

Tomi

Huminga ako ng malalim bago ko ibinaba ang bass ko. Iniisip ko pa rin kung bakit ganun ang inasal ni Trent. Naguguluhan ako dahil hindi ko makuha ang sagot kung bakit nya ako biglang niyakap ng sobrang higpit, na parang bang ngayon lang sya na bigyan ng pag kakataon na yakapin ako. Bata pa kami ng huling kaming mag kita at wala na rin kaming communiation kaya walang dahilan para maging ganoon ang reaction nya.  Pwera nalang kung may gusto nga sya sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko na tumunog. Agad ko yung sinagot ng makita ko ang pangalan ni Troper.

“Hello? Cheesecake. Bakit?” Bungad ko sa kanya. Buti nalang tumawag sya at least hindi ko na iisipin pa si Trent. Umupo ako sa sofa.

“Milkshake, Ngayon ang opening ng bar namin, nakalimutan kong sabihin, susunduin ba kita dyan?” Wika nya sa kabilang linya. Bigla kong naisip na kapag sinundo nya ako makikita nya si Trent. Siguradong mag tatanong sya at ayoko ng pag-usapan pa namin ang taong yun.

“Ahh… Mauna kana. Sasabay nalang ako kay Rina, Alam kong kailangan ka doon.”

“Okay, Hintay nalang kita doon. Tawagan mo agad ako kapag nakarating kana huh.” Bilin nya. Napangiti ako. Kahit kailan talaga napaka-maalaga nya pag dating sa akin.

“Opo. Cheesecake, Sorry sa inalas ng mama ko kanina huh.” Hingi ko ng tawad. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ng magaling kong ina.

“Wala na yun. Wag mo ng isipin. Basta mamaya mag enjoy lang tayo huh, Alam kong stress out kana rin.”

Totoo ang sinabi nya. sobrang stress out na ako. Sa tours,recording,meetings buti nalang nandyan sya para pagaangin ang lahat ng nararamdaman ko. He’s my comfort zone. Lahat nagagawa ko kapag kasama ko sya.

“Okay, sabi mo eh. See you later.” Wika ko.

“See you later, I love you Milkshake.” Paalam nya.

“I love you too Cheesecake.” Saad ko saka binaba ang cellphone. Saglit kong pinikit ang mga mata. I need to loosen up. Tumayo ako saka tumalon-talon. Hindi talaga ako mapalagay kapag hindi gumagalaw.

Pumasok ako sa kwarto ko para paligo at mag handa para sa opening ng bar nila Troper.Pag baba ko para mag paalam sa mama ko, Nakita ko sila ni Trent na nasa dining area. May mga pag kain na rin sa lamesa. Nag katinginan kami ni Trent. Inirapan ko sya. I looked at my mom.

“Ma, Alis muna ako. Opening ng bar nila Troper ngayon, I have to be there.” Paalam ko. Umirap si Mama.

“Darling. Hindi ba pwedeng mamaya kana pumunta? Join us first before you leave.” Wika nya. Tumingin ako sa relo sa bising ko. Tumaas ang kilay ko dahil 7:30pm na.

“Ma, I can’t. I really need to go. Bye.” Lumapit ako para halikan sa pngisi ang aking ina. Saglit kong sinulyapan si Trent saka umalis. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginagawa nya kanina saka wala naman akong obligasyon na mag paalam sa kanya dahil hindi ko naman sya kaano-ano.

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now