Chapter 30: Childhood friend

2.6K 82 13
                                    

Tomi

 

Palabas na kami ng pinto ng biglang bumukas iyon. I held my breath when I saw Tita Helga. Saka ko lang naalala na mag kausap kami kanina at pupunta sya dito ngayon. Hindi ako makapag salita at nakatingin lang din sa  dalawang ginang na nag susukatan ng tingin. Napatingin ako kay Troper na nasa tabi ko na at hawak ang kamay ko.

Para kaming nasa isang matching arena sa lakas ng  aura ng dalawa. Walang tulak kabigin sa taas ng stage presence. Nanunuood lang kami sa kanila.

“What brought you here? Sawa kana sa pag liligalig sa buong mundo?” Tanong ni Tita Helga sa mama ko. Ngumiti si Mama saka nag cross arms.

“Ikaw naman na miss mo agad ako, bakit? Nag hihirap na ba kayo at palaging dito ka nalang sa pilipinas nag lalagi?” Sagot ni Mama kay Tita Helga.Tumaas ang kilay ng huli.  Nag katinginan ulit kami ni Troper. Kung kanina mataas na ang tensyon sa paligid mas nadagdagan pa ngayon.

“Ang corny mo pa rin pala hanggang ngayon.” Wika ni Tita Helga. Tumaas ang kilay ni Mama. Alam kong hindi nya nagustuhan ang sinabi ng huli.

“Anong sabi mo? Ako corny? Ano pang tingin mo sa itsura mo? Mukhang ang lusog mo ata, napabayaan kaba sa kusina?”

“Anong sabi mo! Hindi ako mataba, Aaminin ko medyo nag gain ako ng weight pero at least hindi naman kagaya mo na parang stick sa kapayatan!” Singhal ni Tita Helga. Gumalaw silang pareho pero agad kaming nakalapit ni Troper sa kanila para pigilan. Humarang kami sa gitna nila..

Halos maubusan ako ng hangin sa mga pinag-uusapan nila lalo na sa mga sinasabi ni mama. Matabil talaga ang dila nya.Hinawahan ko sya sa kamay para alisin sa lugar na yun. Masyado na silang nag kakainitan.

“Tita, Sorry po. Aalis na kami.” Paalam ko saka tuluyan lumabas ng condo kasama si Mama. Nakasunod lang si Julio. Pag sakay ng kotse saka lang ako nag salita.

“Ma! ano bang ginawa mo kanina. Bakit naman ganun mo kausapin si Tita Helga?” Tanong ko. Gusto ko syang pagalitan dahil pasaway sya. Tumingin sya sa akin pero taas noo pa rin.

“Aba. Sya ang nauna. Sinabihan ba naman ako ng corny saka totoo naman na malusog sya. kamukha nya si barny, ang baklang dinosaur.” Pahayag nya.Umiling-iling ako. kapag nag kikita silang dalawa hindi pwedeng hindi sila mag bangayan. Ang totoo, mas na una pa silang mag bangayan kaysa sa amin ni Troper. Hindi nga din namin alam kung bakit.

“Can at least be civil to her? Magiging balae mo yun.”  Tumingin sya sa akin na parang hindi makapaniwala.

“Ayoko! No! Darling, please don’t marry her son. Ayoko maging kapamilya ang mahaderang yun! Please Darling!” Pakiusap nya. Para syang bata na nakakapit sa braso ko at nag mamakaawa. Ganito kaming dalawa. Parang ako ang nanay at sya ang anak. But I still love her so much. She’s my mom and I adore her.

“Anong sabi ni Otosan? Buti pinayagan kang pumunta dito?” Pag iiba ko ng topic. Kaswal lang kaming mag usap na parang mag kabarkada. Alam ng ama ko kung gaano katigas ang uli ng mama ko kaya bantay sarado sya dito. My father is our babysitter.

My dream girl is a BASSISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon