Chapter 16: Di ko kaya

7.1K 104 13
                                    

Tomi 

May gig kami ngayon actually gig ng mga banda ang alam ko pang lima kami sa line up mas okay naman yun para hindi rin kami masyadong gabi para pag dating ng hapon pwede pa kaming makapag happy happy nandito kami ngayon sa Artist area bawat banda binigyan ng booth habang nag hihintay kami na tawagin buti nalang hindi mainit yung panahon kaya mas masarap mag hinaty dito. 

malakas yung sigawan ng mga tao  sa labas ang alam ko metal rock band kasi yung tumutugtug kaya talagang buhay na buhay..

"Ang lamig ng simoy ng hangin medyo maginaw." niyakap ni Rina yung sarili nya habang may hawak na drums stick paano ba naman kasi naka palda lang sya at white long sleeves nag katinginan kami ni Mami saka kumanta ng 

"Malaming ang simoy ng hanginnnn!" ginaya pa namin kung paano ang boses ni Vic sotto at Joey De leon  tawa lang ng tawa si Haru si Rina naman nakasimangot ganito kami lagi kapag nag hihintay sa performace namin wala na rin naman kasing kaba matagal na namin na overcome yun. kinakabahan lang kami kapag may isa sa amin ang may sakit or wala sa mood kasi baka mamaya dun pa mag kamali pero kapag ganitong pare-pareho kaming nasa mood walang magiging aberya. 

"Nagugutom na ako!" naka pout pa si Haru habang hawak yung tyan  

"Ako din pang ilan ba yung nasa stage?" tanong ni Rina habang naka upo at hawak ang drum stick nya para mag hand exercise si Mami naman nag papractice ng lead nya ako naman bassline habang naka tayo at gumagalaw maarte kasi ako sa galaw ko gusto ko maganda yun kapag nasa stage na.

"Ang alam ko last na yan tapos tayo na pang lima tayo eh." Sabi ni Mami nag liwanag naman yung mukha ni Haru at Rina ibig kasing sabihin kami na yung susunod at makakakain na kami pag katapos 

"Mabuti yan sana lagi nalang tayong una sa line up medyo hassle kasi kapag gabi na ubos na boses ko nun." Sabi pa ni Haru 

"Kaya nga pero okay naman kapag gabi basta wag yung tatapat sa 9-10 and so on nako medyo na kaka ubos na kasi ng energy." dagdag pa ni Rina 

Napatigil ako sa pag papractice ng makita ko ang booth ng aoa black nakita ko silang nag uusap usap din ang alam ko pang pito sila sa line up kaya talagang chill lang sila nag papractice din sila ng kanya kanyang instruments nila napatingin pa ako kay Mina na seryoso sa pag bassline nya medyo basic pa yun kumpara sa ginagawa ko medyo okay na sya sa bass malinis na rin ang tunog nya pero mas magaling pa rin ako sa kanya!

nag si pag ayos na kami ng tawagin kami ng FD  kami na daw kasi ang susunod naka stand by na rin ang buong scandal team para mag set up kami naman nag hihintay lang na papuntahin sa stage 

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now