Chapter 24: Ang mga pasaway

5.6K 132 27
                                    

Tomi

Hindi  ako mapakali habang papunta ako sa bahay ni Jichan ang sabi kasi nila Shen gusto daw ako makita ni Jichan pero ako lang daw kaya hindi agad ako naniwala pero  nag bulontaryo si Miki na samahan ako kaya dalawa kaming papunta ngayon sa bahay ni Jichan.

Malapit lang ang bahay ni Jichan kaya nilakad nalang namin, noong mga bata pa kami lagi kaming nag lalaro sa loob ng malaking bakuran ng bahay nya  kaya laging maingay doon pero ng lumaki kami madalang na rin kaming pumunta doon kaya alam kong nag tatampo ang Jichan sa amin.

Pag pasok palang namin sinalubong na kami ng mga katulong ni Jichan sa bahay buti nalang kahit mag isa lang sya dito marami naman syang kasama.

Pinapunta kami ng katulong sa loob ng study room, pag kakita ko palang sa Jichan ko agad akong napangiti sa totoo lang na miss ko sya ng sobra last year ko pa sya huling nakita noong nag new year ako dito.

“Jichan, I miss you!” agad akong tumakbo para yumakap sa kanya parang bumalik ako sa pag ka bata noong mga panahon na ako ang little princess nya ako kasi ang favorite granddaughter nya

“I miss you too, ang daya mo ngayon ka lang pumunta ulit dito!” he pouted  kaya napangiti ako dahil marami ang nag sasabi na pareho kami ng mannerism ng Jichan ko pati ang pagiging pala ngiti ko at playful ko sa kanya ko nakuha.

“Sorry na, ang dami ko kasing ginawa.”

“Palagi ka naman maraming ginagawa, kinakalimutan mo na lagi si Jichan!” lalo akong napangiti dahil alam ko nag lalabing lang  ang lolo ko kaya mas lalo ko syang na miss pati na rin ang pakiramdam na nasa Japan ako miss na miss ko

“Babawi nalang ko, kaya nga ako nandito diba? May ipapakilala din ako sayo.” He look curious

“Who?”

“My fiancé.” 

“Mag aasawa kana?! Bat ngayon ko lang nalaman yan! Sinong lalaki yan! Ilabas mo! Gusto ko syang makilala!” napakamot ako sa ulo dahil alam ko na marami syang gustong malaman, alam ko na nabigla sya kasi ang nag sabi sa akin na kapag nag pakasal ako ipakilala ko agad sa kanya para makilatis nya

“Nasa bahay sya, Jichan.  Dadalin ko sya dito bukas pero sa ngayon mag pahinga muna kayo huh.”

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now