Chapter 17: Mula noon hanggang ngayon

7K 109 10
                                    

Tomi  

Lakad takbo yung ginawa ko para lang makalayo sa lugar na yun pinigilan ko din tumulo yung mga luha ko nakatingin na rin kasi yung mga tao dito sa artist area siguradong chismis na naman to pag nag kataon kung bakit naman kasi hindi ko mapigil tong nararamdaman ko naiinis ako kapag naalala ko yung nakit ako kanina

Bwisit ka Troper! ang sama mo talaga! 

Sabi mo, let's try to make this work out.

asan ka ngayon? kasama yung babaeng mababa ang lipad! 

mag sama kayo! wala akong pakialam! 

"Tomi, sandali lang, mag papaliwanag muna ako!" binilisan ko yung lakad ko kasi nasa likod ko na pala sya bwisit na lalaking to feeling nya papansinin ko sya ASA! nag salita lang sya ng nag salita habang sinusundan ako medyo crowded yug lugar pero di ako nag patinag basta alis ako dito 

"Tomi! ano ba?! pansinin mo naman ako oh! umiiyak kasi si Mina. nakakaawa naman sya, please naman pakinggan mo ako!" lalo ko pang binilisan yung lakad ko medyo tumatakbo na nga ako ayoko kasing makinig sa mga sinasabi nya feeling ko nag sisinungaling lang sya

kung lagi nalang iiyak ang babaeng yun tapos mag papauto sya. mag sama nalang ulit sila pakialam ko ba!

biglang tumulo yung mga luha ko kasi naiinis ako sa sarili ko ayoko ng iniisip ko..

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?!" medyo nagagalit na sya pero wala akong pakialam hindi ko sya papansinin kupal sya! 

"Baby! pansinin mo naman ako!" bigla akong napalingon at huminto sa pag lalakad nakita ko pang ngumiti sya ng bahagya ang lintek na to inaasar talaga ako tiningnan ko sya ng masama pag lapit nya medyo napatingala ako 6'3 sya samantalang 5'5 lang ako kaya talagang towering sya sa akin. 

"Diba, sabi ko, wag na wag mo akong tatawagin na baby! nakakainis ka!" pinilit kong wag tumulo yung mga luha ko pero di ko mapigilan  nakakainis! bigla naman syang naging seryoso lalapit panga dapat pero umatras ako

"Don't cry. please.." nakita kong lumamlam yung mga mata nya nag papaaawa na naman sya pero di ako bibigay ..

"Wala kang pakialam kung umiyak ako!" tumalikod ulit ako para layasan sya pero nahawakan na nya ako sa braso ko at walang sabi akong binuhat na parang  bagong kasal nakatingin na rin sa amin ang mga tao dito sa back stage nakakahiya!

"Magusap tayo. pero hindi dito maraming tao."  seryoso nyang sabi. pumalag ako at pinag babayo yung dibdib nya pero walang epekto  nag lakad lang sya ng mabilis 

"Troper! bitawan mo nga ako, walangya ka talaga! mag sama kayo ng babae mo!"  hindi nya ako pinansin kaya nag pumiglas nalang ako para makawala ako sa kanya 

"Tomi! ano ba? wag ka ngang malikot, malalaglag ka!" sigaw nya pero nag pumiglas pa rin ako ng makita ko si Mamu agad akong humingi ng tulong 

"Mamu!  tulungan mo ako!" agad naman lumapit ang manager ko sa amin ni Troper para pigilan kami at hinarang pa ang isang kamay sa harap namin ni Troper 

"Hep! hep! saan mo dadalin ang alaga ko? Troper?" 

"Mag uusap lang kami, nag tatampo kasi eh." paliwanag ni Troper kay mamu

"Mamu! tulungan mo ako! diba hindi pa tapos yung event, di pa kami pwedeng umalis?" nag mamakaawa yung mukha ko para lang tulungan nya ako na makawala kay Troper 

"Tapos na kayong mag perform diba? pwede na kitang kunin. Diba? Mamu?" tanong ni Troper kay Mamu hindi ko alam kung anong nangyari pero tumango tango lang ang manager ko kay Troper 

My dream girl is a BASSISTWhere stories live. Discover now