CHAPTER ONE

3.9K 47 0
                                    

______
______
______

Nakabihis na ako at ready to go. Actually, maaga akong gumising pag may sasalihan akong contest or tournaments. Nga pala, ako si Cylin na mahilig humiram ng Digital Cam sa school namin... For short, hindi makapal ang mukha ko para hiramin yun kasi sadyang ako ang photojournalist ng Sitio NHS at ngayo'y masusukat ang malaman kong galing .  District Journalism Competition ngayon at walang journalist ang nalalate sabi ng speaker namin. Kaya...

Whew..

Ang totoo niyan , kinakabahan ako. Gusto ko pa ngang magquit eh. The last time i check, loser ang mga caption ko during the training of District Journalism. Nasasayang nga ang mga larawan eh. Nakasanayan ko ba naman ang editorial writing na ibang iba pa sa captioning. Haist.

"CYLIN!" , rinig kong tawag ng mga kasamahan ko sa labas ng aming bahay.

"Gosh, superb", bumuntong hininga muna ako bago lumunok at mag last look sa salamin.

Lumabas ako ng bahay at binati sina Carlito at Zoey, my guy gay exfriends na ngayo'y bestfriends.

"FLAT BATCHOY!! Talaga namang tamad ka talagang pumansin no!", nanlaki ang mata ko?

"Hahaha"

Binatukan ko agad ang mga tinuring ko pang mga bestfriends na tinawanan ako.

"Huwag nga kayo... atleast ako meron, kayo naman talaga ang flat", saad ko at itinuro ang mga dibdib nilang manipis as in manipis dahil mga PAYAT sila.

"Atleast were sexy", sabi ni Carlito at nag poise pa.

Seksing payat..

"Ikaw! Ang aga-aga, nang-aasar ka naman!", sigaw ko kay Blake ng nilingon ko siya habang inaalalayan ng kanilang yaya sa paglagay ng bagpack sa kaniyang likuran.

"Nope.. I just miss you", he said.

AAAAAH!!

Mapapatay ko talaga tong Blake na 'to!! Sinabi ko ng wag siyang magsasalita ng mga ganun eh.

Kainis, ba't palagi akong kinakabahan sa tono niyang yun , kala mo kung sinong worried.. duh, isali mo pa ang katagang wala namang katotohanan!

"Ikaw talaga!", nagngangalit kong sabi ng makalapit siya sa akin sabay kurot ko sa kaniyang braso  , patago kong ginawa yun at baka magsumbong ulit ang yaya niyang sumbongera na nasa likuran lang namin.

"Aray ko!", reklamo naman agad ni Blake..

Arte talaga.

"Hey", sinundot ako ni Blake sa tagiliran pero di ko siya pinapansin. Ang dalawang gaga-friends ko naman natameme bigla. Pero ayos na yun at nahihiya silang magsalita. Mas gusto ko nga sila kesa sa mga GGF (girl group friends) ko na walang bukambibig kundi ang nabibingwit ng kanilang mga matang mga ADONIS daw.. haha

"Hey.. Look, im new here. Lalo na sa bayan. Kaya pls, don't dare to leave me again", sabi niya.

"Kailan pa kita iniwang GAGO ka.. may pa dare dare ka pa diyan. You always follow me, remember? And that's a must!", takot ko lang sa step mom niyang grabe kung makapagsalita kung di ko kasama ang anak-anakan niyang 'to.. Tita Terresa is really a good mother, swerte nga tong si Blake at hindi masungit ang ikalawang ina niya.

"Right.. just wait for me", tugon ni Blake ngunit di ko narinig ang binulong niya sa ere.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa may bus station. Pero natatawa ako sa mga nahuhuli kong sulyap ni Zoey kay Blake. Hindi naman napapansin yun ni Blake dahil nakatuon ang mata sa daan ONLY. Ako kasi ang pumapagitna kina Blake at Zoey kaya nakikita ko ang pag shine ng mga mata ni Zoey sa katabi ko.

"Wait.. what time is--- what are you staring at?" , Blake

"Hahahaahhaha" sa pilitang lumabas ang itinatago ko pa kaninang tawa ng nahuli sa akto si Zoey na titig na titig kay Blake..
Pati na rin si Carlito ay natawa ng tumalikod si Zoey na hiyang hiya.

"Mauna na nga tayo Carlly... Ang babagal ng mga yan?" Sabi ni Zoey
.....Hay,makatakas lang sa kahihiyan, isasama si Carlito.

Nauna ng naglakad sina Carlito at Zoey.

"Gays?.. ba't ka pa kasi nakipagkaibigan sa mga baklang lunatic"

//boink//

"Oy grabe ka ha... mga bestfriends ko mga yun kaya don't you say that. Atleast may humahanga sa'yo", binatukan ko agad si Blake at denepensahan ko ang dalawa kung kaibigan. Lunatic daw, grabe naman.

"Tss... by the way what time is it?", tanong ni Blake sa akin.

"Edi tingnan mo sa relo mo", sarkastiko kong sabi.. Totoo naman kasi, siya nga yung may relo hindi pa titingnan. Kung makapag-utos.. err.

" right", sabi niya.

"Shit", kunot noo kong tiningnan si Blake dahil sa lakas ng kaniyang mura.

"Get my pills Cy.. Faster", nataranta ako sa kinakabahang wika ni Blake..

Oh my gosh!

Nakita ko naman agad ang gamot ni Blake at kumuha ako ng isang tableta.

"Here", kinuha agad yun ni  Blake .

"Kainis ka talaga Blake! Paano pag hindi ka na makalakad dahil hindi mo iniinom ang gamot mo sa tamang oras?", inis kung saad sa kaniya matapos niyang inumin ang gamot.

"Akin na nga 'to", kinuha ko ang bag pack ni Blake at sinuot.

"Hahaha... don't be so worried like a girlfriend"

//PAK//

"Ano! Gusto mo pa! Ikaw nga 'tong tinutulungan, mang-iinis ka pa! Una na ako!",iniwan ko si Blake matapos ko siyang sabihan at sampalin.

Wala nga kaming relasyon pero...... ayaw ko na namang ako ang makakita sa pagbagsak niya ,ulit.

AAAAY!!! Lalaking yun... bwisit.

"CYLIN!! Wait!", sigaw niya

"KAINIS KA KASI!!! BILISAN MO NA NGA!" ,sigaw ko pabalik habang hinihintay siya.

He walks slowly...

"Hay naku", tumakbo na ako papunta sa kaniya at inalalayan.

"Ang tangkad mo pa!", reklamo ko ng basta ko lang siyang tiningala dahil hindi ko alam kung paano siya aalalayan.

"Just hold me", bigla na naman akong nakaramdam ng matinding kaba ng siya na mismo ang humawak sa kamay ko.

Bitiwan mo ako, hindi ko ito masabi sa kaniya dahil HINDI KO ALAM!

_______
_______
_______

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now