PART 10

1K 17 0
                                    


______
______
______

Pangalawang araw ngayon ng kababalaghang nangyayari sa sarili ko or ang mga pakiramdang panibago pa sa akin.

I was about to go to school without Blake when Aling Conchita handed me an excuse letter and a medical certificate of Blake for his excuses. Nalungkot ako dito ng hindi man lang sinabi ni Blake ito para nakapagpaalam ako sa kaniya.

Bakit ko naman yun iisipin? Its not that important, isn't it?

Winaksi ko ang pag-aalala ko sa kaniya at umalis na rin. Pagdating ko sa school nanibago agad ako, to be honest palagi akong napapasulyap sa mga lugar o pwesto ni Blake. I feel....

weird.

Miss ko ba siya?

"Hay naku, tamang tama, by 3's ang activity. Oy Cylin, ikaw na ang sumagot sa mga tanong, ha", nabigla ako sa pagsasalita ng dalawa kong kaibigan.
Hindi ko sila inaasahan kaya nagulat ako.

"Naku naman, hindi ka pa ba makapagmove-on?", tanong ni Zoey at inagaw sa akin ang ballpen at sinimulang sumagot sa papel.

"Nope ,akin na nga yan baka ma-zero pa tayo", saad ko at inagaw naman ang sagutan. Si Carlito naman ay patagong nagbabasa ng wattpad sa tabi ko. Hindi ko siya sinuway na baka mahuli siya ng aming guro.

The whole day class went good, parang normal ulit pero kung tatantiyahin ,nasa 76% lang ang normal act ko ngayong araw. Hindi ko kasi maiwasang isipin si Blake and I HATE IT!

Pag-uwi ko ng hapon nakita ko ang kotseng papasok sa maluwang na gate nina Blake, tiningnan ko muna ito hanggang sa makilala ko kung sinong may-ari ng kotse.

Nandito si Tita Teressa?

Napangiti ako, im just happy for Blake. Umalis na rin naman ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa bahay. Naabutan ko si Kim na naglalaro sa sala.

"Mama?", I was surprise to see my Mom in the kitchen. Mukhang kadarating ito dahil hindi pa nakapagbihis pambahay.

"Oh, anak. Nasaan yung Papa niyo", tanong niya sa akin.

"Wrong timing naman Ma, May duty siya ngayon eh", sabi ko naman.

Ang Mama ko pala, kakauwi lang galing sa kabilang bayan. Isa kasi siyang private school nurse at ngayon lang siya umuwi na school days pa. Actually, it supposed to be weekends.

"Kasabay ko nga si Teressa, umuwi.", saas niya. Ang tinutukoy nito ay ina ni Blake.

Matapos akong magbihis ay bumababa agad ako.

"Hello po Tita", bati ko ng pagbaba ko ay nakita ko sina Mama at Tita Teressa.

"Iha, dalaga ka na ah", medyo natawa ako sa sinabi ni Tita Teressa.

Sa isipan ko:

Weh? Parang one year naman tayong hindi nagkikita Tita?

"Where is my Blake by the way?" , tanong niya at seryoso na angako tingin niya sa akin.

"Uhm, pumunta sa hospital", pag-amin ko. Yumuko ako agad ng makita ang panlalaki ng mga mata niya.

"Bakit di mo man lang sinuway o sinamahan?", tanong niya. Si Mama naman umalis para kumuha muna ng merienda.

Ba't nang-iiwan si Mama kung kailangan ko siya? Ayaw kong mabulyawan ni Tita Teressa. Err.

"Ano po kasi Tita, hindi niya sinabi sa akin", pag-amin ko ulit. Narinig ko siyang suminghap at hindi na nagsalita tungkol dito.

"Tita, pwede ba akong magsumbong..? Hehe", nahihiya kung saad.

"Why not?", saad niya at tumaas pa angrin magkabilang kilay niya.
Napangisi tuloy ako. This is the chance aber. Hindi nama pwede skba Blake lang ang pwedeng magsumbong sa mga magulang ko no. Karma lang ngayon.

"Tita si Blake po kasi, palaging nambubully sa school", malungkot kung saad.

"Ano?", hindi makapaniwalang utal niya.

"Opo, at palagi niya akong pinapahiya sa klase", sumbong ko ulit na parang bata lang. Buti na lang at open si Tita Teressa sa lahat ng bagay.

"Naku naman, parang hindi kayo mga matatanda. Yan rin naman ang sinabi ni Blake sa akin sa telepono.", napaawang ang bibig ko sa nalaman.

Inis na inis kong turan sa kaniya sa isipan ko:

Talagang!! Err, binabaligtad niya ang sitwasyon!!! AAH!!

"Siyempre sinuway ko siyang huwag ka niyang papatulan dahil babae ka. Tapos ngayon sinasabi mo yan? May galit kayo ba sa isa't isa ng Blake ko?", tanong niya.

"Eh, siya po palagi ang nangunguna eh. Palagi siyang gumagawa ng kalokohan", sumbong ko ulit

"Hay aku, Teress!", sigaw ni Tita Teressa sa mama ko. Oo, tama kayo ng basa.. Teress ang pangalan ng mama ko at isa iyon sa pagiging matatag ng friendship ng mga ina namin dahil kato-kayo sila sa pangalan.

"Anong nangyayari dito?", tanong ni Mama ng makalapit sa amin na may hawak na pitsel.

Hindi natuloy ang sasabihin ni Tita Teressa ng may kumatok sa pintuan.

"Ako na po", saad ko at tumayo.

Pagkabukas ko sa pintuan.

"IKAW/IKAW!!", sigaw naming magkasabay.

Ang cliche naman ng pagtatagpong ganito. Pero SIYA!!
Patay naman oh.

"Umalis ka dito", mahinang sabi ko kay Blake . Nagtaka naman siya dito at tinulak pa ako.

"Nandito ang mama mo", mahinang sambit ko ulit. Naku naman, ayaw kong makarinig ng kung ano-ano sa mga magulang namin.

"Ano bang pinunta ko dito? Edi si Mama", saad niya at tinulak pa ako.

Sumunod na lang ako kay Blake na papunta sa sala.

"Anak!", tuwang tuwang sabi ni Tita Teressa at tumayo upang yakapin ag anak niya. Not biological but heartly..

"Kamusta na anak?", saad niya sa anak niya. Seninyasan ako ni Mama na pumunta kami sa kusina. Naintindihan ko naman siya.

Iniwan namin ang mag-ina na magkwentuhan sa sala.

"Anak, palagi mo bag pinapatulan si Blake?," tanong ni Mama. Kinabahan naman ako sa tanong niya.

"Hindi po, siya nga po ang palaging nang-aasar", sambit ko.

"Bilang ina Cylin, nag-aalala ako sayo lalo na't malaki ka na. Dalaga na, kaya dapat ka pang ring mag-ingat sa kaniya, okay. Lalaki pa rin siya anak... hindi naman sa masama siyang tao, gusto ko lang mag-ingat ka palagi... Dito.", Itinuro ni Mama ang puso ko.

"Aminin mo na anak.. guwapong binata, makisig at matalino. At... palagi pa kayong magkasama, kaya ingat ingat ha. Gamitin mo rin ito... halika na", saad ni Mama at naunang umalis ngpagkatapos niyang ituro ang sentido ko.

Hindi ko pa lubusang naintindihan ang mga sinabi ni Mama pero ang pagkakaalam ko binabalaan niya akong ingatan ang nararamdaman ko kay Blake.
Lumunok ako ng malalim bago kunin ang mga baso at nagtungo sa sala. Kung saan kami mapagsasabihan ni Blake.

Siya rin naman kasi.

________
________
________

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon