Part 7

1.2K 25 0
                                    


________
________
________

"Cylin... pwede ba tayong mag-usap?" Rinig kong sabi ni Blake sa labas ng kuwarto ko.

"Oy, I was just kidding a while ago.. okay, im sorry", may pasorry sorry pa siyang nalalaman. Kahit na hindi niya ikwekwento ang paglabas ko sa banyo na almost hubad , marami na siyang sinabi at ginawa na napapahiya ako. At dahil isa akong dakilang open minded sa school, ang alam ng karamihan binabalewala ko ang mga yun.

Pero tao rin naman ako, nakararamdam.
Sino bang open minded diyan ang bumabalewala sa katagang PANGIT na ginawang alyas ng maganda mong pangalan? Una, hindi ko sila pinapatulan dahil baka pangit talaga ako sa paningin nila. Minsan dinadala ko lang ang sarili ko para hindi ako magagalit sa kanila. At ang nagsimula non ay si BLAKE!! Palagi niya akong tinatawag na pangit sa school, pasigaw kahit maraming tao. Hindi ko naman talaga dinamdam yun sa una pero pag tinatawag ako ng iba na PANGIT, panunukso nila yun sa akin. Matatawa pa sila, lalong lalo na ang ibang babae diyan na talagang tuwang tuwa pag tinatawag nila akong pangit dahil katunggali nila ako sa kagandahan. CHE! Akala nila hindi ko yun pansin ?

FLAT BATCHOY naman na ginawa ni Blake na apelyido ko, ay naging sikat sa classroom namin. Alam ko rin namang flat chested ako pero masaya ako dun at hindi pa ako lubusang molded na sexiest girl kaya dinagdag nila ang batchoy...honestly, im not that fat, im jusy healthy.. ang mga kaklase ko at lalo na ang may pasimuno na si Blake parang hindi nila alam na nababastos ako sa sinasabi nila. Ayaw ko namang suwayin sila dahil mag-iba ang tingin ng iba sa akin at sabihing pumapatol ako sa mga lalaki... Baka kinabukasan niyan sasabihin naman nila akong pokpok.
Ang pinaka naman ay ang napunit kong blouse dahil sa kagagawan ni Blake. Kamalas malasan pa ay sa may kili-kili ko ang napunit.... At... at di pa ako ako nakapagshave o nagbunot ng.... alam niyo na....

Hindi ba nakakahiya yun? Buti na nga lang at kunti lang ang nakakita dun at mga open minded rin sila. Kasi that was normal lalo na't we were in the stage of adolescence.

I REALLY HATE YOU BLAKE BLEVERIN!!!

Bipolar pa siya!!!

Ba't hindi nalang siya magpasalamat sa kabaitan ko. Palaging naman ako ang kasama niya, lalo na't magkapitbahay kami, magkaibigan ang mga magulang namin, for short malalapit ang mga pamilya namin. Ako ang naiiwan para sa kaniya, sinasamahan siya pag nagkasakit, inaalalayan pag hindi niya kailangan ang tungkod... uhm, bumibisita at binabantayan rin naman niya ako at binibisita pag nalaman niyang nagkasakit ako... kaya nga bipolar ang isang yan!!! Nag-aaalala pero mahilig magpahiya!!!!

Palagi ako ang umaalalay sa kaniya dahil nga pilay siya. At ngayon na mukhang makakapaglakad na ulit siya, malabong mababawasan ang mga kalokohan niya..

"Cylin!, lumabas ka na diyan.. I said im sorry" , gaya ngayon.. ang sincere niyang magsalita.

"Kailangan ko ba ang SORRY mo kung palagi mo naman akong pinagtritripan?" Saad ko.

"Okay ,i'll change .. just come out and lets talk", sabi niya.

"Ha!" Huminga ako ng malalim bago lapitan ang pinto at buksan.

"Anong pag-uusapan natin?", mahina kong sabi.

"Hindi pala tayo ang mag-uusap ,kayo ang mag-uusap. I really hate your gay friends." Inis niyang turan at hinila ang kamay ko para umalis sa harapan niya

"Ah...a.. a ano.. bwisit ka!", reklamo ko ng pumasok siya sa kuwarto ko at sinara ito.

"OY BLAKE!!!! Kuwarto ng babae yan... hindi ka man lang mahiya!", sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

Gago talaga, akala ko ba mag-uusap kami?

"I HATE YOU BLAKE!!", inis kung sigaw at sinipa ang pintuan.

"Don't worry , I'll make you fall for me", kitams! Ang weird talaga ng lalaking 'to kung anong sinasabi!

"Huwag na lang. May Patricia ka naman ah", mahina kong sambit ng maalala ko ang babaeng nagpakilala sa akin na fiancee niya si Blake.

"I heard that, your jealous baby?... Don't worry, I don't love her", saad niya..
Nag roll eyes ako bago umalis. Ayaw kong makinig kay Blake dahil lalo lang niyang binibilog ang ulo ko!!!

Hindi ko pa nga alam kung anong namamagitan sa amin.

"Hai, girl... nakakainggit kayong dalawa ni Blake", bungad ni Zoey sa akin ng matagpuan ko siya sa sala

"Talaga? ... tss", hindi makapaniwalang turan ko.

"Nasaan si Carlito?", tanong ko dito.

"Nagpopo ata"

"Ba't kayo nandito aber?" Tanong ko sa kaniya.

Binuksan ko ang t.v para naman may pagka-abalahan kami.

"Napadaan lang, nga pala... may nakita akong girlala kahapon na di-kotse. Dito pa nga siya huminto"

Ah kaya pala nandito para kumalap ng balita. Nice...

"Ewan ko ba, umalis naman agad", pagsisinungaling ko. Ayaw ko naman kasing isipin ang español na yun. Lalo lang akong mababadtrip. Ang tindi kasi ng pride. Of course babae ako kaya hindi mahirap alamin ang totoong kulay ng kapwa ko babae.
Kainis rin kasi dahil parang kukunin niya si Blake at hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagtingin niya sa akin na parang nagpapasikat ng kagandahan. Yung estilong ngingisihan ka tapos titingnan ang ibang tao with pabebe smile pa.

"May bad news ako" saad ni Zoey.

"Oh"

"Pasok tayo sa regional presscon", malungkot na saad ni Zoey.

"WHAT!!! Edi maghappy happy dapat tayo.. diba..so cheer up?" Pumapalakpak kong sabi.

"Sana, tayo... ang ibig kong sabihin may nakapsok na journalist galing sa paaralan natin", pagkaklaro ni Zoey. Napasinghal naman ako dito. I expected pa naman.

"At suwerte ka!! dahil ikaw ang second placer ng photojournalist na qualified sa regional, AT SUWERTE KA ULIT!", tila nanggigil si Zoey dahil palakas ng palakas ang boses nito.

"Ano ba, hindi ako bingi." Reklamo ko sa kaniya.

"Swerte ka kasi makakasama mo ulit si Blake na no. 1 sa computer lay outing",

Ha?

"Akala ko ba editorial cartooning ang loko?"

"Yeah, hindi mo ba alam na dalawang event ang kinuha niya?" Walang ganang saad ni Zoey..

"Ganun ba?... eh kayo naman anong place niyo?", tanong ko sa kaniya. Bumalik na rin si Carlito na parang badtrip at may dalang mga supot.

"Hay naku huwag mo ng itanong. Masasakal ko lang si Ma'am Tumayo na yun", sabat ni Carlito na kararating pa lang. Umupo siya tabi ko bago nilapag ang dala.

"Ano yan girl", tanong ni Zoey at kinuha ang isang supot.

"This is bibingka! Specialty ni Lola, gamot ng badtrip... ", saad niya.

"Hahahaha, akala ko ba nagpopo ka kanina kaya ang tagal mo... sinabi yun ni Zoey ah", pag-amin ko ng lumaki ang mata niya.

"Ikaw!!! Hindi kita bibigyan. Ibaba mo yan! Kasasabi ko lang sa'yo kanina na tutulungan ko lang si lola na magtinda ng bibingka ... GRAVI TE! ", nag flip hair si Carlito at hinigit ang isang supot na hawak ni Zoey.
Kalauna'y naman ay nagpapaawa effect si Zoey kaya binigyan siya ng bbibingka. Ang natirang bibingka daw ang bayad sa pagtulong ni Carlito sa kaniyang lola.

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now