PART 18

912 14 0
                                    


______
______
______

Umuwi ako na nakabukas ang pintuan at umaalingawngaw ang mumunting hikbi sa maliit at masikip na bawat sulok ng bahay. Pumunta ako sa ikalawang palapag ng bahay kung saan nagiging malakas at malinaw ang mga hikbi.  Hanggang sa makumpirma kong si tita Cory ang umiiyak. Nakaawang ang pintuan ng kaniyang kuwarto kaya sumilip ako dito. Nakayakap siya sa kaniyang tuhod at kitang kita ang pagtaas baba ng kaniyang mga balikat.
Bakit siya umiiyak?

Kagustuhan ko mang alamin ang dahilan nito pero hinayaan ko na lang.

Tapos na ako sa pagluluto pero hindi pa rin bumababa si Tita Cory. Sa pagkabahala ay napaakyat ako sa taas at kumatok ng sunod sunod sa pintuan.

"Tita? Okay ka lang ba diyan?"

Wala pa ring sumasagot at bigla akong natakot ng sumagi agad sa isipan ko na baka nagbigti ito o uminom ng lason. Winaksi ko ang karumal dumal na imahinasyon na yun at bumwelo ako para banggain ito.

/BOOGSH/

Ouch...

"Aray ko"

Kumatok na lamang ako sa pintuan dahil hindi ako nagtagumpay sa pagbukas ng pintuan gamit ng body force ko.

"TITA!! MAY SUNOG!!!!!! MAY SUNOG!!!! "

Well di totoo yan... akting lang yan para malaman ang kalagayan ni Tita. Kung hindi pa niya bubuksan ang pinto tatawag na ako sa ambulansiya.

"TITA!!!", sumigaw ulit ako.

Nakakahiya 'to pag naririnig nila sa kabilang kanto.

Tumigil lamang ako sa pagsisigaw ng marinig ang yapak sa loob kasunod ng pagbukas ng pintuan.

"Oh, ikaw pala", hindi ko inaasahan ang pagbungad ni Tita Cory kaya natawa ako sa aking isipan.  Mukhang kagigising niya lang pero hindi magulo ang buhok at hindi rin maamoy ang hininga. Pero namumugto ang kaniyang mga mata.

Umiyak nga siya.

"Kain na po", sabi ko sa medyo mahinang boses. Hindi ko kasi siya kayang titigan lalo na't ganito ang kalagayan niya. Tumango naman siya pero hindi agad sumunod sa akin.

After a few minutes sa wakas ay kakain na ako kasama si Tita Cory. Kanina ko pa kasi siya hinihintay.

"Pasensya ka na ah", sabi ni Tita sa kalagitnaan ng hapunan namin.

I was able to answer back kaya kalauna'y binahagi niya ang nangyari.  Its about his ex na humahabol pa rin sa kaniya sa kabila ng pagtataksil. Im 17 kaya tama lang na malaman ang mga kuwentong hindi lang sa nobela nababasa o naririnig kundi sa mismong nakaranas ng sinasabi nating complicated break-up.

"Babalikan ko ba siya?", biglang tanong ni Tita Cory pagkatapos niyang ikwento ang love story niya na naging most hated story.

"Ikaw po Tita Cory.. pag.." tumigil ako sa pagsasalita ng itinapat niya ang kaniyang palad sa mukha ko.

"Magka-height lang tayo Cylin, kaya.. Ate Kim na lang. Hindi ko pa feel ang tita cause im still 27 . ", nakangiti niyang sabi.

"Hehe okay po Ate Kim,.. ayun nga po, kung alam mo at ramdam mong dapat lang siyang iwasan ,ipagtabuyan, baliwalain o balikan  o whatever diyan.. gawin mo po. Pero ang masasabi ko lang, hayaan mo na siyang asahan ang third chance niya sa iyo. Dahil darating ang panahon na marerealize mo kung dapat mo siyang bigyan ng panibagong tsansa sa buhay mo o darating ang panahon na mawawala rin ang kaniyang nararamdaman at siya na mismo ang mapagod dahil hindi na sapat ang pagmamahal niya sa iyo."

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now