PART 16

916 12 0
                                    

_______
_______
_______

I was disappointed dahil hindi ko siya nakikita sa I.U or sa labas ng paaralan for almost one week mula nong nagkita kami ni Patricia. Akala ko pa naman magkasama silang umuwi dito sa Pilipinas at sa parehong paaralan sila papasok.
Si Patricia naman, mula nong lumabas siya sa storage room na luhaan ay nakabalik naman sa dati. She still approach me in school pero iniiwasan niyang pag-usapan namin ang tungkol kay Blake kaya wala akong makuhang balita. Minsan ay sinasama niya ako sa kaniyang mga barkada kaya nakilala ko ang dalawang friendly type na sina Olivia at Dianne, ang matured one or the serious type na si Clarissa at ang silent type yet addict sa instagram na si Hailey.

"Cylin.. ikaw na ang bahala dito ah!" Tumigil ako sa pagwawalis dito sa kwarto ko ng marinig ang pagpaalam ni Tita. Pinuntahan ko siya.

"May emergency sa hospital, huwag kang magpapasok ng kung sino dito ah", bilin niya bago tuluyang makaalis sa bahay.

I was about to close the door ng maaninag ko ang isang tao sa labas na nagtatanong sa isang ale. Bigla  tinuro ng ale ang direksyon ko kaya napaiwas ako ng tingin at agad na sinara ang pinto.

Ang weird ng mga tao.

Papanhik sana ako sa taas ng may kumatok sa pinto. Kinabahan ako, paano kong ito ang nagtatanong sa ale, at ako talaga ang tinuro ng ale?
Nataranta ako sa paghahanap ng pangdepensa at tanging sa kusina ang pumasok sa isipan ko upang makahanap agad ng gagamitin. Sakto namang may mga patalim sa isang drawer, itak at kutsilyo lang ang nandun. Kinuha ko ang itak bago lumapit sa pinto. Tinago ko ito sa likuran bago buksan ang pinto.

"Maganda umaga po", bati ng lalaki sa akin.

Matangkad siya, maputi at guwapo. Mukha siyang isang bachelor in town. Maganda ang pangangatawan at masayahin ang aura...

"Ano pong kailangan nila?", tanong ko.

"Uhm, kilala mo ba si Cory Kim Lapasa?"

Pangalan ni Tita yun ah.

"Anong kailangan niyo sa kaniya?",

"I can't tell you kid, pero dito ba siya nakatira?"

"I can't tell you sir , my aunt ... ay hindi hindi,.... basta , sorry ha.. hindi ko siya kilala eh"

Muntik na ako dun, sana naman hindi niya narinig yun.

Nakita ko naman ang pagtataka all over in this mans face pero hindi ako nagpahalata.

"Oh, okay", simpleng saad niya at umalis agad.

Weird.

Sinara ko ulit ang pinto at ibinalik ang itak sa taguan nito. Pumunta ako sa kuwarto to finish my business.

Ring ring...

Hindi ko nakita ang contact name ng tumatawag pero to be sure, tinakpan ko ang mga tainga ko sakaling si baklang malanding nakalunok ng mikropono.

"Cylin?", binababa ko ang cellphone ko at tiningnan ang screen nito.
Si Patricia pala.

"Ano?"

"Pwede ba tayong magkita ngayon?"

"Ayaw kong magcommute", tugon ko agad. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Okay, i'll fitch you..  what's your address"

Binababa niya agad ang tawag matapos kung sabihin ang address ko.
Minadali ko ang paglilinis dito sa kuwarto para makapaghanda... I mean maligo. Ganito talaga ako kahit hindi importante basta lalabas ako, I need to be fresh..

Maya-maya'y narinig ko ang ungol ng isang motorsiklo sa tapat ng bahay. Dumungaw ako sa bintana at nakita si Patricia in her fancy clothes with her white scooter. Kahit hindi pa ako nakapagsuklay ay ko siya sa gate.

She roamed her eyes at my back. Sa bahay.

Like what i've expected... rich kid with their disgusted expression.

"Well, hindi naman kita iimbitahan sa loob . You can stay there and be the kanto boys apple of the eye", nagitla siya sa sinabi ko at tumingin sa paligid. Sumisipol nga ang mga feeling guwapo sa kaniya. Nauna akong naglakad leaving the gate open. Kalauna'y naramdaman ko ang presenya niyang sumusunod sa akin.

"Huwag kang maarte, uupo ka lang diyan at kung may ipis gamitin mo yang matulis na takong mo", saad ko sa kaniya.

Binibiro ko lang naman siya. Haha..
Malapit sa pintuan ang salamin at mga suklay kaya malaya kong nasisilayan ang bawat ekspresyon niya sa pag-uusap namin.

"Yucks, you should clean your house well para hindi nakakahiya sa bisita", komento niya. Natawa naman ako ng bahagya sa kaniya.

"Naglinis naman ako, pero meron talagang mga flying ipis na nanggagaling sa mga kapitbahay", pagpipilisopo ko. Nagroll eyes siya sa akin.

"Are you done?"

"Yup, ano may pupuntahan ba tayo? Kailangan ko bang magbihis?", tanong ko while standing in front of her.

Naka-maong ako at malaking shirt na may nakatatak na L.A Boyz.

"Dapat lang ,you look like a wannabe gangsta, but I we have no time", saad niya at lumabas. Bumuntong hininga muna ako bago echeck ang mga bintana at gasol kung nakasara ang mga ito bago ako sumunod sa kaniya.

"Dali na", tawag ni Patricia sa akin.

Binaba ko muna ang phone ko ng makita siyang nakaangkas na sa kaniyang scooter.

"Magkakasya ba tayo diyan?", hindi ako makapaniwala .. lumapit naman ako sa kaniya.

"Why not, ang gara mo naman kung hiramin ko ang kotse ni Mama para sunduin ka lang.. wow ha", napangiti ako. Nakikita ko kasi ang ibang attitude ko sa kaniya. I think she's not that bad kaya hanggang ngayon ay magkasama kami kahit na madalas ang prangkahan namin.
Tinawagan ko na si Tita Cory para ipagpaalam ang pag-alis ko sa bahay. Okay lang daw basta uuwi ako ng before 6:00 P.M.

Ang haba naman ng palugit ni Tita baka wala pang 20 minutes nakauwi na ako.
_____
_____
_____

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now