Part 2

1.5K 29 0
                                    


_______
_______
_______

"Anak, kamusta ang journalism?", tanong ni Papa.

"Okay lang naman po at bukas daw nila sasabihin ang resulta dahil mahigpit ang labanan", sabi ko. Wala naman ulit siyang sinabi pagkatapos.

Naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ng maalala ko ang sinabi ni Blake kaninang umaga.

'And Cylin, stop acting something I really hate to doubt'

"Haay", ano bang ginagawa ko na ayaw niyang pinagdududahan? Ang hirap namang intindihin.

"Ate, ikaw na ang tumawag kay kuya Blake. Hindi pa maganda ang tingin ng aso nila sa akin eh", nilingon ko si Kim , ang nakababata kong kapatid na babae. Takot ito sa asong alaga ni Blake dahil nakagat na siya dito minsan.

"Ikaw na lang ,may ginagawa pa kaya ako.. tsaka alam mo namang maraming kalokohan si Blake sa akin", sabi ko kay Kim.

"Ayaw ko nga", inis niyang sabi at saka tumakbo.

"Aba't .. OY KIM!", sigaw ko.

Kaasar ang bubwit na yun!

Paano na yan? Hay naku, hindi pa nga ako naka-get over sa Blake na yan eh...Binilisan ko na lang paghuhugas .

Nadatnan ko sa sala si Papa na kaharap ang kaniyang laptop.

"Pa", tawag ko sa kaniya.

"Ba't ba natin tatawagin si Blake?", tanong ko.

"Ay, oo nga pala.. umuwi kasi ang yaya niya sa siyudad dahil namatay ang kapatid niya", sabi ni Papa

"Malaki naman si Blake, siguro naman alam niya ang pinaggagawa niya", sabi ko.

"Cylin!", tinikom ko na ang bibig ko dahil seryoso na si Papa. Wala na  rin akong sinabi kaya't pinuntahan ko na si Blake.

Malaki ang bahay nina Blake at maganda pero palagi siyang naiiwan mag-isa kasama ang kaniyang yaya. Isang doktor ang ama niya at sa U.S pa nagtratrabaho. Pag holidays or bakasyon lang ito umuuwi. Si tita Teressa naman na ikalawang ina niya ,nasa Batangas, isang forester. Umuuwi naman ito every week pero minsan every 2 weeks minsan matagal tagal at minsan hindi.

"Blake?", tawag ko ng makapasok ako sa loob ng kanilang bahay. Napakapabaya minsan ni Blake at hinayaang nakabukas ang kanilang gate at pintuan kaya nakapasok ako agad. Wala namang magnanakaw dito sa amin pero pano pag meron?

"Blake?", tawag ko ulit at kinapa ang switch ng ilaw dahil mga lampshades lang ang nagbibigay liwanag dito sa loob.

Pumunta ako sa kaniyang kwarto. Syempre alam ko yun dahil ilang beses na akong pumapasok dito sa bahay nila at minsan dito rin kami  nag e esleep over ni Kim ,mas malambot kasi ang kotson nila hehe.

//knock knock//

Kumatok ako sa pintuan ng kaniyang kwarto pero wala pa ring nagsasalita.

"Oy Blake! Tulog ka na agad? Napaka-aga naman .Hoy, lumabas ka diyan, sa bahay ka daw matulog sabi ng Papa ko", hindi ko alam kong naririnig niya pero patuloy pa rin akong nagsasalita.

"Hahaha"

Ano yun?

"AAAAAAAAAAAAAAHHHH MAMAAAA!!!", bigla akong kumaripas ng takbo dahil sa narinig kung tawa na malapit lang sa kinatatayuan ko.

"Aaaaah!! TULOOOOONG!!", sigaw lang ako ng sigaw hanggang nakalapit ako sa pintuan at lumabas.

"Aw aw aw"

Aaaaaahhh

"MAMAAAAAA!!!", sigaw ko ng makita ko ang malaking alagang aso ni Blake na sumalubong sa akin pagkalabas ko ng pinto.
Pumasok ulit ako sa loob ng bahay. Nanginginig ako sa takot at kaba.

Iiyak na ata ako ngayon, oh my gosh... Huwag naman sanang haunted house 'to.

//click//

"B-la-ke", takot na takot kong saad ng biglang nagbukas sara ang ilaw sa may kusina.

Napaupo ako at yinakap ang mga tuhod ko.

Alam ko 'to eh... yung.. yung gaya ng mga nasa horror films..

Aaaah!!! AYAW KO NA!!

"BLAKE!!! Tulungan mo naman ako!! BLAKE! Asan ka ba.. aaaah.. huhuhu..aaah huwag naman sana akong mamatay ng ganito lang", wika ko.

Nanatili akong nakaupo sa may sulok habang umiyak. Takot na takot ako.
Nasaan ba kasi ang lalaking yun.

"Hoy! Tama na nga yan", bigla akong tumingala at nakita si Blake na nakakunot ang noo. Wala naman akong sinabi kundi awtomatikong tumayo at niyakap siya.

"Aaah.. huhuhuhu *singhot* . Blake, huhuhu  ka..kai-nis ka .. ka... ba ba't di ka nag.paki...kita pa kan.kanina.. *singhot* huhuhu", sabi ko ng pautal utal.
Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.  Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Nanginginig rin ang mga kalamnan ko kahit na may kasama na akong tao ,hindi multo o kung ano mang elemento diyan.

"Hahaha, kailangan ba kitang takutin para ikaw na mismo ang lalapit sa akin?", sabi niya na siyang kumalasan ko sa yakap at bigla ko siyang itinulak .

//boogsh//

"Hala.. okay ka lang... sorry sorry", pagkabagsak niya ay agad ko naman siyang tinulungan..

Eeh, di ko naman yun napansin.. kainis.. may tungkod pala siya.

"At kailangan ko rin palang bumagsak para tulungan mo akong tumayo", he said.

Anong nangyayari sa kaniya? What's with those weird sayings?
"Anong pinagsasabi mo diyan? Tara na nga.

______
______
______

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now