PART 12

973 18 0
                                    

_________
_________
_________

1 Month Later

"YES!!!"

Yes!!

Sa pagtatalon ko ay baka umabot ako sa langit
...Ang sayaI SAYA KO!!!!

Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa scholarship examination...

PASOK AKO SA I.U (international university).

YES!!!!!!! Pasok ako sa scholarship exam. WHOOOOOOOO!!!

My gosh.

"MISS! Magpapakamatay ka ba?"

Bigla kong binaba ang hawak kong envelope na naglalaman ng dokumentong pasok ako sa I.U.

"AAAAAH!!!", napahawak ako sa dibdib dahil ng  matantong tinatapakan ko ang ilang sentimetro ng dead end .

Hindi ako makapaniwalang nasa dulo ako ng sirang riles. At kung nagkatao'y nahulog ako dito at masagasaan ng naglalakihang truck at bus sa baba.

"Isa kang produksiyon ng magandang Pilipina kaya sana'y mag-ingat ka hindi ang tutunganga", nabigla ako sa sinabi ng mamang nagtitinda ng taho.

Parang gusto kung magpasalamat o sipain siya dahil sa panirang huling salita niya.
Hindi ko rin naman siya pinatulan dahil nilampasan niya agad ako.

"Haay!", singhal ko ng dumungaw ako ulit sa baba na muntikan ko ng makahulugan.
Lumayo ako dito at lumingon.

Malayo na pala ang narating ko na hindi man lang ako napahinto ng malaking plakang may nakasulat na DEAD END.
Kung sa probinsiya kaya ako nag-enroll? Baka hindi kamatayan ang muntikan kung maabot kundi dapa. Kung hindi ako titingin sa daan, hindi ako mahuhulog kasi mas malaki ang tsansang madadapa lang ako dahil mabato at saka mapapahalik sa putik o tae ng kalabaw.

That's better. Grabe, paano na ang mga pangarap ko pag nagulog ako dito....  my gosh..

Umalis ako sa lugar na yun at habang naglalakad ay patuloy ako sa pagkukumpara sa pinanggalingan kung probinsiya at dito sa siyudad.

Kanina ko rin naisip na magcommute nalang pero hindi ako sanay at takot ako na baka ibang destino ako ibaba. Hindi kasi kagaya noon na kapag pumupunta kami sa siyudad may kasama kami palagi  na mas matanda sa amin na alam ang mga lugar o pasikot sikot.
Hindi naman sa inosente ako sa pamumuhay ng mga city people.

Hindi lang ako sanay.

Sa palagay ko ay kailangan ko ng magjeep dahil dumidilim na. Hindi naman nagtagal at naka-para ako ng masasakyan.

"Paabot ho", saad ko sa aleng katabi ko ngunit hindi niya ito kinukuha para ipasa sa katabi hanggang sa umabot sa palad ng driver.

"Iha, saan ba ang punta mo?", binulsa ko na muna ang pera bago sagutin ang ale na katapat ko.

"Sa may San Diego po", saad ko.

"Kung may barya ka diyan na labing anim yan ang iabot mo", sabi ng ale.

Medyo nahiya ako at ngumiti na lang. Nakalimutan ko ang simpleng bagay na yun ngunit ginawa ko naman. Saktong barya ang binigay kong pamasahe pagkarating ko sa San Diego.

"Salamat po", bago ako bumababa ay nagpasalamat ako sa aleng nagpaalala sa akin 'sa simple rule inside a jeepney'.

Hindi naman ako nahirapang maglakad ulit dahil binaba ako ng jeep sa tapat ng bahay nina Tita Cory.

"Oh, kamusta naman ang resulta", tanong agad ni Tita ng madatnan ko siyang nanonood ng balita sa laptop niya.

Medyo nahihiya pa akong ibalita ang tungkol doon dahil nong isang araw lang ako pinakilala ni Mama sa kaniya. Siya ang bunsong kapatid ni Mama na nagtratrabaho sa St.Luke General Hospital bilang nurse.

ProvincialGirl and CityBoy(editing)Where stories live. Discover now